Sam Milby

Sam Milby

Sunday 21 August 2011

Sam misses having a gf


Written by : Vinia Vivar


Marami na rin ang naiinip na magkaroon ng bagong girlfriend si Sam Milby. After Anne Curtis kasi ay wala pa siyang ipinakikilala ulit sa publiko na new love kaya ang tanong ng lahat ay kung kailan daw ba siya magmamahal ulit.

Pero say ni Sam, siya rin daw ay nagtatanong na rin sa sarili kung bakit nga wala pa rin siyang girlfriend.

“Hindi naman sa naiinip kasi darating din ’yan. Pero minsan kasi, mag-isa lang ako sa bahay, wala akong kasama, puro lahat ng ibang kaibigan ko, may love life rin.

“Pero sanay na naman ako, pero siyempre, nakaka-miss ’yung kilig na feeling, may naglalambing, pero ’yun nga, eh, wala pa,” he said.

Mahirap naman daw kasi puwedeng basta-basta na lang siya mag-girlfriend for the love of having one.

http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/11692-sam-misses-having-a-gf

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...