Sam Milby

Sam Milby

Saturday, 27 August 2011

KC Concepcion denies rumored romance with Sam Milby: "Sam and I are friends. I don't want to entertain that question since I'm in a relationship now."


KC Concepcion denies rumored romance with Sam Milby: "Sam and I are friends. I don't want to entertain that question since I'm in a relationship now."
Glen P. Sibonga
KC Concepcion denies rumored romance with Sam Milby: "Sam and I are  friends. I don




  How close are KC Concepcion and Sam Milby? "Nagse-share kami ng mga problema. Nakakatuwa lang kami ni Sam parang pareho kami ng kultura. Pareho kami ng hilig. I can say na Sam is one of the people in my life na for keeps talaga. Napag-usapan namin yan before, na parang we don't think there's anything that would get in the way sa friendship namin, na parang for life siya talaga," KC says.

Binigyang-linaw ni KC Concepcion ang isyung ginagamit lang sa promo ng Star Cinema movie niya with Sam Milby, ang Forever and a Day, ang paglabas ng tsismis na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Piolo Pascual.

"Hindi po, wala pong ganun at all. Totally hiwalay po itong pelikula sa relationship namin ni PJ (palayaw ni Piolo)," paliwanag ni KC sa presscon ng Forever and a Day na ginanap kagabi, June 10, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN.

Sinagot din ni KC ang tanong kung posible ba silang magka-develop-an ni Sam kung ginawa nila ang movie na ito nung hindi pa sila ni Piolo.

"Yung kuwento po namin ni Sam goes way back. Yung closeness po namin, yung pagkatotoo po ng relasyon namin bilang magkaibigan sobrang wala pong halong kaplastikan. So, hiwalay po iyon," ang paliwanag niya sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Kahit po yung pagkakaibigan namin ni Piolo at that time hiwalay po talaga. And I think may respeto naman po si Sam kay PJ in the sense na wala po talagang mangyayari at all kahit na sabihing between two people na pwede.

"He's (Sam) the type of person na hindi po talaga gagawin yun. At this point, Sam and I are friends. I don't want to entertain that question since I'm in a relationship now."

CLOSE TO SAM. Dahil nga magkaibigan na sila in real life bago pa nila gawin angForever and a Day ay hindi na sila nahirapan na mag-adjust sa isa't isa sa trabaho kahit sabihin pang ito ang una nilang pagtatambal sa isang proyekto.

Pero gaano ba sila talaga ka-close?

"Nagse-share kami ng mga problema.

"Nakakatuwa lang kami ni Sam parang pareho kami ng kultura. Pareho kami ng hilig. I can say na Sam is one of the people in my life na for keeps talaga.

"Napag-usapan namin yan before, na parang we don't think there's anything that would get in the way sa friendship namin, na parang for life siya talaga," sabi ni KC.

Pero pagdating daw sa set, hindi raw sila nag-uusap dahil pinagagalitan sila ng direktor nila na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Paliwanag naman ni Direk Cathy na dahil daw sa sobrang close nina Sam at KC ay madalas daw itong nagkukuwentuhan at nagtsitsismisan to the point na maingay na, kaya minsan ay binabawalan niya ang dalawa mag-usap.

Ginagampanan nina KC at Sam sa Forever and a Day ang roles nina Raffy at Eugene, respectively. Inamin ni KC na sa totoong buhay din daw ay may similarities sina Raffy at Eugene sa kanila ni Sam.

"With Raffy and KC, siguro po yung ano... marami po kasi akong kinakatakutan. And si Eugene po yung parang nagpu-push kay Raffy na gawin yung mga bagay na she's scared of doing. Yun po siguro yung pagkakapareho namin ni Raffy.

"In real life po, si Sam po yung ganung kaibigan ko, ganung tao sa buhay ko na nagpu-push sa akin na gawin yung dati po takot akong gawin. Pinapa-try niya sa akin."

Isang halimbawa nga raw nito ang eksena nila sa movie na kailangang tumawid ni KC sa isang hanging bridge na kahoy. Takot daw kasi talaga si KC sa heights kaya totoong umiiyak daw ito habang tumatawid. Pero si Sam ang nag-push sa kanya na gawin ito at nagawa naman niya.

LOVE QUESTIONS. Ang role ni KC sa movie ay isang babaeng mahirap mapaibig dahil sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay. In real life mahirap din bang mapaibig ang isang KC Concepcion?

"Dati po hindi. Ngayon po, oo.

"Dati po madali po akong ma-fall. Siguro po sa ngayon kasi parang mas nagiging seryoso yung mga choices ko sa buhay. Kasi hindi na nga po kami yung mga teenagers na alam n'yo po yun na pangit naman po yung palipat-lipat.

"Kaya gagawin po namin ang lahat hanggang sa makakaya. Bilang dalawang mature na tao, talagang gagawin mo ang lahat para makita mo kung hanggang saan yung relasyon.

"So, nandun po ako ngayon na I will try my best for the relationship. I will personally not give up until talagang wala na akong maibibigay pa.

"So, in that sense, ganun na po yung tingin ko sa relasyon na hindi na po katulad dati na porke physically guwapo or physically hindi guwapo pero type ko yung utak niya, type ko yung talent niya parang ang bilis, parang whirlwind.

"Pero at the end of the day Filipina pa rin po ako. At saka marami na po akong natutunan in the last how many years na rin po na nagkaroon ako ng serious relationship," ani KC.

Pagkatapos nilang gawin ang pelikula, tanggap ba niya ang idea na love even for a day can last forever?

"Opo, definitely. Na-prove po yan ni Direk kay Sam. Sabi nga ni Direk one day can be like your forever pero forever can happen in one day.

"Meron po talagang love na ganun e, na hindi mo talaga ine-expect na mai-in love sa iyo tapos mare-realize mo na lang isang araw na, teka sandali lang mahal ko na ito."

Nangyari na ba sa kanya ang ganito?

"Nangyari na rin po sa akin. Yung mga whirlwind, yung ganun. One weekend, Friday to Sunday, in love na ako sa kanya."

Sino naman itong guy na ito?

"Nakalimutan ko na po kasi past ko na siya e."

May linya sa movie "Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mong mawawala rin sa iyo?" Kung kay KC itatanong ito, kaya ba niyang gawin ito?

"Opo e. Para po kasing may topak ako na ganun na itutuloy ko pa rin kahit alam ko na medyo may possibility na walang patutunguhan or hindi ko alam what's ahead.

"Live for the moment talaga ako. So, opo kaya ko po. Pero sino ba ang may gusto ng goodbyes, di po ba? Kaya ko, pero parang ayoko. Pero ginagawa ko pa rin."

WORKING WITH DIREK CATHY. First time makatrabaho ni KC si Direk Cathy. Dahil kilala nga siya bilang box-office hit director, may pressure bang nararamdaman si KC?

"Ako po, this is the most confident that I've been in a role. It's because I really trust her. And because hinayaan po ako ni Direk Cathy na mag-explore. Pero siyempre po, very firm naman po siyang director kaya takot ako sa kanya.

"Pero binigyan po niya kami ng chance na mag-explore, na bago siya magbigay ng directions tinatanong muna niya kami, 'What would you do as your character?' So, parang nararamdaman ko na importante din pala yung feelings ko, yung nararamdaman ko sa character ko.

"So, it's the most confident that I've been, pero God knows how much I went through bago ko po talaga in-accept ito. At kung gaano po talaga ako nag-open up kay Direk, kung ano yung mga fears ko, kung ano yung mga uncertainties ko, not just tungkol sa pelikula pero sa sarili ko po."

Bukod kina Sam at Direk Cathy, proud din si KC sa iba pa nilang kasama sa pelikula na pawang magagaling na artista na kinabibilangan nina Rayver Cruz, Vivian Velez, Dante Rivero, Bembol Roco, Matet de Leon, Lui Villaruz, Spanky Manikan, at Robin Da Roza.

Bahagi ng 18th anniversary presentation ng Star Cinema, ang Forever and a Day ay mapapanood sa over 100 theaters nationwide simula sa June 15.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...