Sam Milby

Sam Milby
Showing posts with label Derek Ramsay. Show all posts
Showing posts with label Derek Ramsay. Show all posts

Wednesday, 25 April 2012

Derek Ramsay "not bitter or mad" about being replaced as Bea Alonzo's leading man in Star Cinema movie

photo credits to owner




Derek Ramsay "not bitter or mad" about being replaced as Bea Alonzo's leading man in Star Cinema movie

Melba R. Llanera

Naka-five shooting days na pala si Derek Ramsay sa pelikula ng Star Cinema na pagtatambalan sana nila ni Bea Alonzo at ididirek ni Olivia Lamasan.

Pero pinalitan na nga siya sa naturang proyekto ng film arm ng ABS-CBN nang pumirma si Derek ng three-year exclusive contract sa TV5.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek sa telepono noong Linggo, April 22, kinumpirma niya sa amin na hindi na siya ang leading man ni Bea sa pelikula ng Star Cinema.

Aniya, “Hindi siya na-shelved, I think papalitan ako.

“It was Star Cinema’s management that decided it.

“I think it was announced in the press na hindi na tuloy sa akin yung project so I understand… I’m not bitter or mad.”

Bagamat nanghihinayang siya na naalis siya sa nasabing pelikula, nagpapasalamat pa rin si Derek na kahit sa maikling panahon ay naging parte siya nito.

“Siyempre I was disappointed, I was really into my character already and I really like the story of the movie.

“But you know, they are professional in this business, they know what’s best.

“Naka-five days [shooting ako], pero ang dami kong natutunan.

“I worked with the probably number one director in the Philippines—Direk Olive Lamasan.

“I’ve learned a lot from her, she taught me a lot of things, she spoke to me.

“I really think of the positive on it. I don’t want to focus on the negative.

“Ang dami kong natutunan, I got the chance to work with her [Direk Olive] and maybe in the future makatrabaho ko siya.

“I also love working with Bea, napaka-professional at napakahusay.

“So, yun lang sayang dun, I’m not gonna work with Bea [again].”

Nagkasama na noon sina Derek at Bea sa pelikulang And I Love You So (2009).

FROM SAM TO DEREK AND BACK TO SAM? Kay Sam Milby dapat ang role na gagampanan ni Derek sa Star Cinema moviena ito, pero nang magdesisyon si Sam na subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood ay napunta ang role kay Derek.

Ngayong inalis na si Derek sa pelikula, may ilang nagsasabi na baka ibalik daw ang role kay Sam na posibleng bumalik sa Pilipinas sa susunod na buwan, May.


Ano ang masasabi ni Derek dito?

“It’s fine, I’ll be very happy for Sam.

“I even told Sam, sayang yung movie na yun kasi napakaganda ng istorya.

“So, I’ll be happy kung mababalik yun sa kanya.


“Sam is one of my few friends in the industry, I’ll be very happy if it’s going back to him," saad niya.
MOVIE WITH ANNE AND KC. Bagamat hindi na tuloy ang pagsasama nila ni Bea sa pelikula, may ibang pelikula namang sisimulan si Derek.

Ito ay ang Nothing Compares To U ng Viva Films kung saan makakapareha niya sina Anne Curtis at KC Concepcion.

“Well, I’m excited,” sambit ng aktor.

“Si Anne nakatrabaho ko na and napaka-successful ng movie na nagawa namin [No Other Woman].

“So lagi namang masaya na katrabaho si Anne, so wala ang nerbiyos ko.


read more 

http://pep.ph/news/33856/derek-ramsa...nema-movie/1/3

Derek Ramsay Replaced as Bea Alonzo's Love Interest in Upcoming Movie


Derek Ramsay Replaced as Bea Alonzo's Love Interest in Upcoming Movie

The actor says he'll be happy if Sam Milby takes his place and that he isn't bitter about Star Cinema's decision.

Actor Derek Ramsay, who recently signed an exclusive contract with TV5, says he has been replaced in an upcoming movie for Star Cinema, PEP.ph reports. Derek would have starred as the love interest of actress Bea Alonzo. 

"Hindi siya [shelved]; I think papalitan ako (The movie wasn't shelved. I think I'm getting replaced)," the star explained in a phone interview with PEP.ph. "It was Star Cinema’s management that decided it. I think it was announced in the press na hindi na tuloy sa akin yung project, so I understand. I’m not bitter or mad."

While Star Cinema has made no announcements just yet, Derek expressed his thoughts on rumors that his role might go back to actor Sam Milby. Sam had originally been tapped for the movie before he left for Hollywood in February. "Sam is one of my few friends in the industry," said Derek. "I’ll be very happy if it’s going back to him."

Although Derek will no longer be starring in a film with Bea, he is currently working on Nothing Compares To U under Viva Films for which he has two leading ladies, Anne Curtis and KC Concepcion. 

"I’m excited,” he is quoted as saying. "Si Anne nakatrabaho ko na, and napaka-successful ng movie na nagawa namin [No Other Woman]. Lagi namang masaya na katrabaho si Anne, so wala ang nerbiyos ko. May chemistry kami, kung paano ako didiskarte sa pag-arte. (I've worked with Anne before, and the movie was successful [No Other Woman]). Anne is always a joy to work with, so I'm not nervous. We've got chemistry, and I know how to utilize my acting skills when I'm with her.)"

“Kay KC, even more exciting, kasi hindi ko pa siya nakakatrabaho on big screen (With KC, it's even more exciting because we haven't worked together on the big screen yet)," he added. "Nakatrabaho ko siya before sa MMK [Maalaala Mo Kaya], sa TV. (We worked together on Maalala Mo Kaya on TV.)"

http://www.femalenetwork.com/celebri...upcoming-movie

Tuesday, 24 April 2012

Sam at Lloydie, agawan sa role na tinanggal kay Derek


Posted by Online Balita on Apr 24th, 2012 

Ni Reggee Bonoan
IBALIK kaya kay Sam Milby ang role ni Derek Ramsay bilang leading man ni Bea Alonzo na pinamamahalaan ni Direk Olive Lamasan sa Star Cinema?

Unang ini-offer kay Sam ang naturang pelikula at excited pa nga ang aktor sa muli nilang pagtatambal ni Bea na una niyang nakatrabaho sa And I Love You So na idinirek ni Laurenti Dyogi tatlong taon na ang nakararaan.

Pero nag-backout si Sam dahil Pebrero ang umpisa ng shooting, na buwan din ng pag-alis niya patungong New York City para sa kanyang auditions doon.

Si Derek, na kasama rin noon sa And I Love You So (bilang pumanaw na asawa ni Bea) ang kinuhang kapalit ni Sam. Lumipat sa TV5 si Derek kaya tinanggal na siya sa pelikula, na ikinalungkot ng aktor dahil nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Nakapag-shooting na si Derek ng limang araw sa naturang project.


Bagamat naiulat nang papalitan ni John Lloyd Cruz si Derek, ayon sa Star Cinema executive na si Roxy Liquigan nang makausap namin nitong nakaraang Linggo ay wala pa silang nakukuhang kapalit.
“As of now, Reggs, wala pa, mag-uusap pa lang kami tomorrow (kahapon). We’ll let you know by Wednesday dahil ia-announce namin,” sabi ni Roxy.

Lumutang ang pangalan ni John Lloyd dahil nagustuhan nito ang project nang mabasa ang script at inilambing niya ito kay Ms Malou Santos.

Pero may problema dahil may gagawing serye sina Lloydie at Bea sa unit ni Direk Laurenti Dyogi na kukunan sa London, baka raw ma-preempt kung sakaling gumawa ulit sila ng pelikula.

Bukod dito, kasalukuyan ding nagso-shoot ang aktor ng third movie nila ni Sarah Geronimo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.
Samantala, padating na si Sam ngayong Mayo 15 at mananatili siya sa Pilipinas hanggang Setyembre at may kontrata pa siyang isang pelikula sa Star Cinema.

In fairness, kumita ang And I Love You So movie nina Sam at Bea kaya baka ikonsidera na sila na lang sila ulit ang msagtambal, ‘di ba, Star Cinema?

http://www.balita.net.ph/2012/04/sam...medium=twitter
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...