Sam Milby

Sam Milby

Saturday 19 May 2012

Sam hahataw na uli sa ASAP


(Pilipino Star Ngayon) Updated May 19, 2012 12:00 AM Comments (0)  


MANILA, Philippines - Magkikislapan ang mga pinakamalalaking bituin sa mundo ng showbiz ngayong Linggo (Mayo 20) sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na ASAP 2012.


Aapaw ng kilig at saya sa ASAP centerstage sa pinakapinanabikang pagbabalik-Pilipinas ng Rockoustic Heartthrob na si Sam Milby; sa makapigil-hiningang dance number na inihanda ng ilan sa pinakatinitiliang leading men sa bansa na sina Enchong Dee at Gerald Anderson; at sa espesyal na sorpresa para sa kani-kanilang fans ng iba pang Kapamilya heartthrobs na sina Xian Lim, JM de Guzman, at Jake Cuenca; at ng summer hotties na sina Cristine Reyes, Megan Young, at Bangs Garcia.


Dadagdag naman sa kilig treat ang duet performances ng Primetime Bida love teams na sina Ella Cruz at Paul Salas ng Aryana, Kathryn Bernardo at Khalil Ramos ng Princess and I, at sina Jericho Rosales kasama si Maricar Reyes at Piolo Pascual kasama si Cristine ng teleser­yeng Dahil sa Pag-Ibig.


World-class talent naman ang ipamamalas ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa panibagong kuwento ng inspirasyon para sa TV viewers sa With Love, Gary V; habang bagong music trend naman ang ipauuso ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa bagong ASAP 2012 segment na T-Zone.


Bibida naman sa isang makatindig-balahibong concert spectacle ang mainstays na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, KC Concepcion, Nikki Gil, Yeng Constantino, Bryan Termulo, Anja Aguilar, at ASAP Sessionistas.





read more


http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=808498&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...