Sam Milby

Sam Milby

Saturday 19 May 2012

Hindi nagsisisi kahit puro auditions lang ang ginawa sa Hollywood, Sam, balik- Pinas na


Hindi nagsisisi kahit puro auditions lang ang ginawa sa Hollywood, Sam, balik- Pinas na 
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated May 18, 2012

Noong Miyerkules ay dumating na sa bansa si Sam Milby mula sa Amerika kung saan siya nag-audition para subukan ang career sa Hollywood. “It’s very worth it, it was a great experience. All the auditions and the great feedback, I just feel different from when I left here. I just have more desire to work and I gained more confidence. And I think there’s a misconception of things too, kasi wala akong balak dati na pumunta sa States to try it out there. It came to me, there was a network that liked me and got me an agency there. So I’m thankful sa lahat ng nangyari,” pagbabahagi ni Sam.


Samantala, masayang-masaya rin si Sam dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang kanyang ama habang siya ay nasa Amerika. “Pumunta siya sa New York for four days. Siguro sa buong buhay ko, ‘yun ang pinaka-bonding namin kasi workaholic talaga ang tatay ko. I just realized we had all the time to just enjoy our time together, nag-usap kami. I got to learn more about ‘yung pamilya ko sa side ng tatay ko. He’s not retired, meron pa siyang negosyo. He’s turning seventy eight years old this October,” pagtatapos ng aktor.


Ayon pa kay Sam ay siguradong babalik ulit siya doon sa isang taon para muling mag-audition para sa ilang mga proyekto.

read more:

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...