Sam Milby

Sam Milby

Saturday 19 May 2012

Hollywood auditions ni Sam, wala pang linaw

by JUN LALIN 

MAGTATAGAL ng bansa si Sam Milby after niyang bumalik mula sa New York City.

Ilang buwan din sa Amerika si Sam dahil sa auditions niya roon para sa Hollywood TV shows.

Sa kanyang pagba*balik-Pilipinas ay gagawa ang binata ng pelikula at teleserye with Judy Ann Santos and Jessy Mendiola sa ABS-CBN.

Ayon sa manager ni Sam na si Erickson Raymundo, malamang na hanggang sa Nobyembre pa sa Pilipinas ang kanyang alaga.

Tungkol sa auditions ni Sam sa Amerika, nilinaw ni Erickson na hindi pa lumalabas ang resulta ng mga ‘yon.

May ilang tagaroon daw ang gusto pa sana na magtagal doon si Sam para mag-audition sa iba pang TV shows, pero noon pa nilinaw ng manager ni Sam na hanggang three months lang ito puwedeng mag-stay sa Amerika dahil sa commitment nila sa Dos.

Sa Martes nakatakdang mag-story conference ang bagong teleserye ni Sam with Juday and Jessy.

Read more


http://www.abante-tonite.com/issue/m...showbiz_jl.htm

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...