Sam Milby
Saturday, 19 May 2012
Sam Milby returns to do a teleserye; reveals meeting a model in New York that he really likes
Melba Llanera
Friday, May 18, 2012 @ 03:08PM | 18906 views
Sam Milby on trying his luck in New York: “I can say it’s very worth it. It’s because of the fact that it was a great experience, all the auditions and the great feedbacks—and I’m going back. I know there are lots of auditions na mami-miss ko habang nandito ako, but I feel in a way different from when I left here. I just have more desire [to work] and I have more confidence."
Photo By: Sany Chua
Pagkatapos ng halos apat na buwang pagkawala sa Pilipinas para subukan ang kanyang kapalaran sa New York, bumalik na ng bansa ang Film-Am actor-singer na si Sam Milby noong Miyerkules ng hapon, May 16.
“Masaya! I’m so happy to be back!
“It’s been almost four months na wala ako dito sa Pilipinas, Feb. 1 ako nung umalis,” pagbati ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagdating niya sa bansa.
Ano ang nangyari sa kanya sa New York at kung may mga nakalinya na ba siyang trabaho na gagawin doon?
Ayon kay Sam, “Madaming auditions, madaming magandang nangyari.
“Ang gusto nila, mas matagal pa akong mag-stay. Pero naiintindihan nila na may prior commitments pa ako dito.
“So, babalik pa ako dun, likely around January of next year.
"May mga ongoing auditions ngayon, but yung main chunk is during those three months.”
Ayon pa kay Sam, sulit ang ginawa niyang pag-o-audition doon kung saan marami siyang natutuhan sa mga naging karanasan niya.
“I can say it’s very worth it,” sambit niya.
“It’s because of the fact that it was a great experience, all the auditions and the great feedbacks—and I’m going back.
“I know there are lots of auditions na mami-miss ko habang nandito ako, but I feel in a way different from when I left here.
“I just have more desire [to work] and I have more confidence.
“I think there’s misconception of things kasi wala akong balak dati na pumunta sa States to try it out there—but it came to me.
“There was a network that liked me and that got me an agency there, so I’m thankful sa lahat ng nangyari.”
THE AUDITIONS. Sabi rin ni Sam, iba ang sistema sa Amerika kung saan kahit sikat ka at may pangalan ay sasailaim ka sa auditions para sa isang proyekto.
At sa auditions na ito ay nakita at nakilala niya ang ilang Hollywood celebrities.
Kuwento ni Sam, “It’s all for the major networks, mga lalabas na shows sa CW, ABC, CBS, and mayroong isa sa HBO—and it went really well.
“Nagulat ako kasi sa… sa agency, I met Brooklyn Decker, kasama siya sa movie ni Adam Sandler, Just Go With It, at sa Battleship—bago itong pelikula na lalabas.
“’Tapos when I was at the audition, may nakita akong guy, parang familiar yung mukha.
“I was with a group of people, nag-uusap kami, ‘tapos nalaman ko na siya pala yung lead sa Entourage—si Adrian Grenier!
“Dun, kahit sikat na sikat, nag-o-audition din.
“I’m sure kapag may pangalan na, you get favoritism, of course.
“But still, if you read dun sa magazines, there are others who are not sikat, but they’ve done works, they get the jobs more than the ones that you would think they can get it.
“They all go through auditions and I think that’s actually fair ‘coz it gives everyone a fair chance.”
BONDING WITH HIS DAD. Ang kanyang pagpunta sa U.S. ay nagbigay rin ng pagkakataon kay Sam para makapag-bond sila ng kanyang American father.
“Pumunta siya sa New York for four days.
“Yun siguro sa buong buhay ko ang pinaka-bonding namin kasi workaholic talaga ang tatay ko.
“I just realized that we had all the time to just enjoy our time together.
“Nag-usap kami, I’ve got to learn more about yung pamilya ko sa side ng tatay ko.
“He’s not yet retired… mayroon pa siyang negosyo.
“He’s turning 78 this October… masipag siyang magtrabaho.”
Aminado si Sam na na-miss niya talaga ang Pilipinas at ang mga taong naging malapit sa kanya dito.
“Siyempre, matagal na ako dito sa Pilipinas.
“Ito ang pinakamatagal na wala ako in the seven years that I’ve been here.
“I have a family here, too—Star Magic, Cornerstone… Nene, my PA [personal assistant] has been with me for more than six years. “...
Read more:
http://www.pep.ph/news/34149/sam-milby-returns-to-do-a-teleserye-reveals-meeting-a-model-in-new-york-that-he-really-likes/1/1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment