Sam Milby

Sam Milby

Monday 28 May 2012

Sam Milby says that he will continue his US auditions to pursue his Hollywood dream


5/27/2012 9:56 PM

by: Bernie Franco

052812-sam-main.jpg

Hindi maiwasan ni Sam Milby na maging sentimental sa kanyang interview sa The Buzz dahil masyado siyang na-touch sa papuri sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ada. Matagal kasing nagkahiwalay ang magkapatid bago sila muling nagkita. Kaya naman tinanong si Sam kung gaano ka-espesyal ang relasyon niya sa kanyang ate. 

“The fact that we are so close, I’ve never said this ever since I was little. We’re only 10 months apart. Irish twins kami,” pahayag ni Sam. “We’re both 28 ngayon, kahit noong bata ako… how much I really look up to her, in everything talaga.” Ganito rin daw siya nagkaroon ng interes sa skating dahil idolo niya ang kanyang kapatid.  “I always followed what she did, I looked up to her,” aniya. 

Para naman sa mensahe niya sa kanyang sister, ani Sam, “You don’t understand I how glad I am to have you here. It’s been so long, we haven’t been able to hang out. I don’t want you to go back (to the US). I want you to stay here and thank you for always being the role model and I love you, thank you.” 

Samantala, ipinahayag din ni Sam na patuloy ang kanyang pagpupursige para makamit ang kanyang Hollywood dream. Aminado siya na hindi madali ang kanyang pag-o-audition doon. “Lalo na ‘yung first (time to audition) kasi dito sa Pilipinas kapag may pangalan ka na, hindi ka naman nago-audition, so ‘yung mga first auditions (sa US) nanibago ako.” 

Kakagaling lang ni Sam sa US at aniya, marami niyang natutunan sa kanyang auditions sa pagsusumikap na maisakatuparan ang kanyang Hollywood dream. “Lalo kong naa-appreciate ‘yung nangyayari sa buhay ko dito, sa career ko dito,” pahayag ng aktor. Masuwerte raw siya na kahit ‘di na niya kailangang mag-audition sa mga proyekto ay ibinibigay sa kanya ang magagandang proyekto ng ABS-CBN.  “But the (US) experience also, it was a confidence-booster para sa akin, it is Hollywood.” Aniya, maganda raw ang feedback na ibinigay sa kanya sa kanyang ginawang auditions at malaking compliment din daw na ang agent na kumuha sa kanya ay malaking pangalan sa Hollywood.  

read more

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...