Sam Milby

Sam Milby

Friday 25 November 2011

Back-to-back birthday celebrations for Randy and Bianca on ‘Happy Yipee Yehey!’ :: ABS-CBN.com

Back-to-back birthday celebrations for Randy and Bianca on ‘Happy Yipee Yehey!’ :: ABS-CBN.com

by ABS-CBN Corp. Comm. | November 25, 2011 9:59 PM
Makisaya sa “Happy Yipee Yehey!” ngayong Sabado, lalo’t magdiriwang ng kaarawan ang dalawa sa pinaka-minamahal na hosts ng programa, sina Randy Santiago at Bianca Manalo.

Samu’t-saring sorpresa at rebelasyon ang tiyak na magpapasaya sa ating birthday celebrants, lalo na’t may mga production numbers silang inihanda. Kung si Bianca ay may rebelsayon, si Randy naman ay sasalang sa isang kapana-panabik na “bukingan” session, kasama ang kanyang mga ka-tropang sina John Estrada at Rico J Puno.

Lalo pang sasaya ang tanghali sa pagbisita ng mga gwapong aktor na sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Huwag din palampasin ang kulitan ng mga hosts sa huling monthly finals ng “Miss KB,” kung saan makikipag-sabayan ang mga ulirang kasambahay sa kanilang pinaka-aabangang talent portion. Hindi rin magpapatalo ang pagtatagisan ng galing at talino ng nalalabing apat na kalahok sa “Batang Genius.”

Walang patid ang kasiyahan na handog ng pinaka-masayang kabarkada sa tanghali, huwag palampasin ang “Happy Yipee Yehey!” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!



http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/10516/Back-to-back-birthday-celebrations-for-Randy-and-Bianca-on-Happy-Yipee-Yehey-.aspx

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...