Sam Milby

Sam Milby

Monday 14 November 2011

Sam tatlong buwang mawawala


 by Veronica R. Lo (The Philippine Star) UpdatedNovember 14, 2011 12:00 AM 




Tatlong buwan na mawawala ng bansa si Sam Milby simula sa Pebrero. Kailangang mamalagi siya ng USA para makuha sa inaplayan niyang role sa isang palabas ng ABC TV. Mas pinili niya ang posibilidad na magkaroon ng isang international career kesa sa bagong serye ng ABS-CBN na Alta na kung saan ay mayroon siyang mahalagang role na gagampanan kasama sina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, Luis Manzano, at marami pa. Hindi na rin niya magagawa ang tambalang pelikula nila ni Bea Alonzo.


Handang ilagay ng Fil-Am actor ang kanyang career sa alanganin para sa isang posibleng tra­ba­ho sa isa sa mga pina­ka­malaking networks sa Amerika. Bago siya u­ma­lis ay marami siyang trabaho rito na kailangang tapusin na mag­papaalala sa kanya sa publiko ha­bang siya ay nakikipagsapalaran sa kabilang ibayo.


 Pilipino Star Ngayon > Showbiz


Read more: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=747838&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...