Kumbaga sa pagluluto, lalo pang sumasarap at nag-iinit ang international career ni Karylle na bida sa “The Kitchen Musicale.”
Excited si Karylle dahil iikot ang cast sa iba't ibang parte ng Asya.
Bukas din siya sa posibilidad na manatili sa Singapore.
Aniya, “When you want something you have to prepare for it.”
Mula naman sa tour sa Canada, kinumpirma ni Sam Milby ang big break sa Hollywood.
Limang top networks sa New York—kabilang ang ABC, Fox at Warner Brothers—ang nagpatawag kay Sam para sa posibleng proyekto.
Mismong ang sikat na Gersh Agency ang hahawak sa career ng aktor.
Pagbabahagi ni Sam, “It's very exciting, very promising also. It's like starting all over again siyempre kasi I'm not really known there. I'm also being represented by one of the top agencies in Hollywood.”
Dahil sa higpit ng schedule, hindi na niya magagawa ang teleseryeng "Alta" at pelikula kasama si Bea Alonzo.
“Nakakalungkot din kasi ito ang kapalit. It's risky, pero siyempre babalik nanaman ako,” aniya.
Malaking karangalan naman para sa British-Pinay model na si Georgina Wilson na mapabilang sa "America's Next Top Model."
Trending ang post ni Georgina sa Twitter, kung saan ibinunyag niya sa wakas na magiging guest model at stylist siya sa 17th cycle ng fashion reality show na mapapanood sa November 14.
Itatampok din sa reality show ang international Pinoy designers na sina Michael Cinco at Oliver Tolentino.
11/11/2011 10:04 PMWatch the video here:
No comments:
Post a Comment