Sam Milby

Sam Milby

Thursday, 3 November 2011

Sam, makakasama sa agency nina Tobey Maguire at Kirsten Dunst

Sam, makakasama sa agency nina Tobey Maguire at Kirsten Dunst
Posted by Online Balita on Nov 3rd, 2011

Manila, Philippines – JAMPACKED ang “The Teleserye Princess” tour nina Pokwang, Enchong Dee, Rayver Cruz, Gerald Anderson, at Sam Milby sa John Basset Theater (October 29) sa Toronto at Jubilee Auditorium (October 30) sa Edmonton, Canada. Ang next show ay sa Monument Hall (November 5) Montreal, Canada.Ni Reggee Bonoan
Pagkatapos ng October shows ay lumipat si Sam sa New York para personal nang i-meet ang tatlong TV producers na interesado sa kanya, kasama ang Star Magic bosses na sina Mr. Johnny Manahan at Ms Mariole Alberto.
Naiwan sa Canada ang manager ni Sam na si Erickson Raymundo dahil expired na ang US visa niya. “Hindi ko napansin, hindi ko naasikaso kaagad,” pahayag niya nang makausap naming siya sa album launching ni Marie Digby.
Matatandaang nakipag-meeting sina Erickson at Sam sa tatlong talent agency sa New York nu’ng October 10 at nakapili na ang huli kung saang agency niya gustong mapabilang. Ang agency na siya ring nagpapatakbo ng career ng mga sikat na Hollywood stars tulad nina Tobey Maguire, Kirsten Dunst, at iba pa.
Babalik ng Canada si Sam sa November 4 dala ang kontrata ng nasabing agency para pag-aralan nila ng manager niya at saka sabay na pipirmahan.
Samantala, nasulat na si Sam daw ang cause of delay ng taping ng seryeng Alta kasama sina Gretchen Barretto, KC Concepcion, Angelica Panganiban, at Luis Manzano. Pinabulaanan ito ng manager ng aktor.
“As early as April 2011, naka-block off na ang schedule ng taping ng Alta, marami kaming shows na hindi tinanggap dahil ang sabi anytime mag-i-start na taping ng Alta. Hindi si Sam ang cause of delay,” paliwanag sa amin.
Dahil hindi pa rin nag-uumpisa ang taping ng Alta at sumulat sa kanila ang TV network na interesado kay Sam sa New York bandang Agosto at gustong makilala ang actor, kaya kinagat na nila at nakipagkita nga sila nu’ng Oktubre.
“Walang nasagasaang schedule si Sam sa ABS, in fact naghihintay lang naman kami. Eh, ngayong may liwanag na ang pangarap niyang international career sa US, alangan namang pakawalan pa niya. Ito ang gusto niya, eh.
“Kung magtutuluy-tuloy na, by February 2012 ang lipad ni Sam for New York kasi kailangan niyang mag-workshop doon for the TV series. Kaya dapat by November o December, mag-taping na sila ng Alta,” katwiran ni Erickson.
Sa pagkakaalam namin ay mabigat ang role ni Sam sa Alta, kaya tiyak na magiging malaking problema ito ng aktor dahil hindi puwedeng mawala siya kahit sa isang eksena lang.
“Pagmimitingan pa namin,” kaswal na sabi ng manager ni Sam.
At dahil Pebrero ang target shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Bea Alonzo at Sam, sa direksyon ni Olive Lamasan, ay baka maurong na muna ito.
“Nalungkot nga si Sam, eh. Siya naman ang pinamili ko, movie with Inang (Direk Olive) o itong international career niya. Ayokong magdesisyon kasi baka ako ang masisisi ni Sam after,” katwiran ni Erickson.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...