Sam Milby on pursuing a Hollywood career: "It's something that you do fear. At the same time, it's an opportunity that you cannot pass up."
Melba Llanera
Sam Milby will fly to New York on February 1 to pursue his dream of making it in Hollywood. He says, "I'm not expecting, but I'm very, very hopeful. Ayokong iniisip ng mga tao, 'Anong project ang gagawin ni Sam sa States, e, wala pa naman?' Pero I just pray that I will get a project. I did auditions, pero hindi naman para sa isang project, ano lang, para makita yung acting ko."
Noel Orsal
Wednesday, January 18, 2012
05:27 PM
Kumpirmado na ang pag-alis sa bansa ni Sam Milby sa February 1 upang subukan ang kanyang kapalaran sa Hollywood.
Noong nakaraang taon, marami ang nagulat nang i-anunsiyo ni Sam na pansamantala niyang iiwan ang kanyang showbiz career para i-pursue ang pangarap na maka-penetrate sa Hollywood.
Dahil sa desisyon niyang ito, pinalitan na siya ni Diether Ocampo sa Alta, ang upcoming primetime series ng ABS-CBN.
Pinalitan na rin siya ni Derek Ramsay sa dapat sana'y reunion movie nila ni Bea Alonzo.
TAKING THE RISK. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sam noong Linggo, January 15, sa ASAP 2012, tinanong namin siya kung hindi ba siya natatakot sa gagawing pag-alis?
Na baka sa pagkawala niyang ito sa sirkulasyon ay wala na siyang babalikang career?
Na mabale-wala lahat ng pinaghirapan niya?
"Siyempre, nandun yung kaba," pag-amin ni Sam.
"I mean, siguro kung ginawa ko yung Alta at umalis ako, at least umalis ako na may naiwan na project.
"Pero my last teleserye was last year [100 Days To Heaven].
"I did MMK [Maalaala Mo Kaya], pero that's one day lang.
"Napakaimportante talaga na nakikita ka ng tao sa TV, something they won't see in ASAP.
"Hindi natuloy yung TV, so wala ring big project I did before I left.
"So, it's something that you do fear.
"At the same time, it's an opportunity that you cannot pass up.
"Opportunities like this don't come for anyone."
UNCERTAIN. Tatlong buwang mawawala at maninirahan sa New York si Sam.
Tatlong buwan na walang siguradong trabaho, pero matapang niyang susuungin.
"Yeah, one of the hardest things is finding an agency.
"But it still depends on the audition.
"But still, the fact that the station really liked it [his audition], it's really a big thing na din.
"I can't say that this will guarantee... I'm not expecting, but I'm very, very hopeful.
"Ayokong iniisip ng mga tao, 'Anong project ang gagawin ni Sam sa States, e, wala pa naman.'
"Pero I just pray that I will get a project.
"I did auditions, pero hindi naman para sa isang project, ano lang, para makita yung acting ko."
Hindi kaya pagbalik ni Sam sa bansa ay may girlfriend na pala siyang na-meet sa New York?
"Feeling ko, magkakaroon ako ng girlfriend this year sa New York!" natatawang biro niya.
JERICHO ROSALES. Bukod kay Sam, naging open din si Jericho sa kanyang pangarap na makapasok sa Hollywood, lalo na't nakalabas na siya sa isang international movie—ang I Love You Virus.
Dahil sa pareho nilang goal na pumasok sa Hollywood, nagkaroon tuloy ng comparison sa pagitan nina Sam and Jericho.
Pero ayon kay Sam, "Hindi dapat ganun, e.
"I mean, expected naman yun.
"But at the same time, no matter who it is, if anybody made it in the Philippines, it's such a big thing.
"He's [Jericho] actually ahead of me kasi may nagawa na siyang Hollywood movie, so that's a big thing already.
"I'm very, very happy for him and I hope that things will work out for him too.
"Pero ayoko ng comparison.
"No matter who makes it to another country, that's our success, the Philippines, para yun sa buong Pilipinas."
KC-PIOLO BREAKUP. Malapit na kaibigan ni Sam sina KC Concepcion at Piolo Pascual, na nag-break bago matapos ang 2011.
Ayon kay Sam, bagama't malapit siya sa dalawa, hindi siya nagbigay ng anumang payo sa mga ito, partikular na kay KC.
Saad niya, "Kami ni KC, we're good friends, but we don't talk.
"We still say hello now and then, pero ganun lang.
Read more
http://www.pep.ph/news/32640/sam-mil...ot-pass-up/1/2
No comments:
Post a Comment