Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 17 January 2012

Indie movie ni Sam, shelved

NASULAT namin kamakailan na gagawa ng indie movie si Sam Milby kasama si Heart Evangelista sa direksyon ni Paul Soriano under Reality Films, tungkol sa dalawang nagmamahalan na tuwing apat na taon lang nagkikita. Hindi na ito matutuloy.
Laking panghihinayang ni Sam na hindi na ito natuloy dahil kulang na sila sa panahon.
“Sayang nga, kasi ang target playdate pala ay February 29 since leap year pala ngayon, e, hindi naman madaling mag-shoot, lalo’t marami ring ginagawa si Heart,” kuwento ni Erickson Raymundo, manager ni Sam.
Nanghihinayang din ang grupo ni Direk Paul dahil ready na sana lahat, hindi lang nagkasundo sa schedules lalo’t paalis nga si Sam sa Pebrero 1. E, tiyak daw na aabutin ng ikawalang linggo ng Pebrero ang shooting.
Kaya sa halip na indie movie, nag-taping na lang si Sam ng Maalaala Mo Kaya kasama si Jessy Mendiola sa direksyon ni Raz de la Torre na nagdirek din ng Won’t Last A Day Without You.
Pastor ang role ni Sam sa MMK at si Jessy ay may malaking bahagi sa buhay niya.
Tinapos din ni Sam ang pictorial niya para sa summer campaign ng Folded & Hung.
Sinamantala ng Pinoy promoters sa US ang pagtungo ng New York City ni Sam, isama siya sa show ni Angeline Quinto roon sa Pebrero.
Pero ayon sa manager ni Sam, 50-50 ang tsansang makasama niya si Angeline sa show dahil, “Hindi pa sure kung papayagan si Sam sa show ni Angeline kasi ipapaalam ko pa sa agency niya sa Amerika, kasi ang schedule niya from Feb 1 to May 11 – Monday to Friday, 9 AM to 9 PM dapat available siya kung sakaling tawagan na siya for audition.
“Kaya nga bago siya umalis, tinatapos niya lahat ang dapat tapusin dito kasi hindi siya puwedeng bumalik dito for four months straight. Sobrang sacrifice talaga ‘yung mga iiwanang projects dito ni Sam, e, gusto niya naman ‘tong gagawin niya.”
Si Sam ang kumanta ng theme song ng My Cactus Heart, na may titulong Kaba na orihinal ni Tootsie Guevarra.
Ang Star Cinema managing director na si Ms Malou Santos daw ang namili ng kanta, say naman ng director ng pelikula na si Enrico Santos. –Reggee Bonoan

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...