Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 31 January 2012

Kapamilya stars attend Sam Milby's send-off party


Yakap, ngiti at iyak ang pabaon kay Sam Milby ng mga Kapamilya stars sa kanyang send-off party.
Kabilang sa dumalo si Star Magic head Johnny Manahan, ASAP co-stars gaya nina KC Concepcion, Sarah Geronimo, Derek Ramsay, Xian Lim at Kim Chiu.
Bukas na aalis ang aktor para subukan ang kapalaran sa Hollywood sa ilalim ng sikat na agency na Gersh.
Mag-o-audition daw si Sam sa US TV series sa ilalim ng ABC sa Amerika.
“Mixed emotions eh, excitement. I don’t know what to expect. Kahit walang mangyari this trip, it doesn't mean na give up na ako,” sabi ni Sam.
Aabutin ng 3 buwan si Sam sa Amerika at doon na siya magva-Valentine’s.
Ayon sa singer, bukas siya makipag-date sakaling may makilala siya sa Amerika.
Pero sa ngayon, si Angeline Quinto na lang muna daw ang date niya.
Special guest si Sam sa US tour ng Star Power grand winner.
Sa huling hirit sa Sabado, todo pa rin ang pagpapasaya ng “Happy Yipee Yehey” hosts.
“It's very, very sad but we've accepted it. We had a chance to make people in the afternoon happy,” sabi ni Matteo Guidicelli.
Sa noontime show din nabuo ang magandang pagtitinginan ng hosts na sina John Pratts at Bianca Manalo.
“Ibang experience din ‘yung naibigay sa akin ng show na iyon. Kung hindi din naman dahil sa show na iyon, hindi ko makikilala si Bianca,” sabi ni John.
“Sa lahat ng Kapamilya na sumuporta at tumangkilik, salamat at hindi niyo kami iniwan. Hanggang sa muli,” sabi naman ni Bianca.
Isandaang porsyento rin ang suporta ng HYY family sa "It's Showtime" na magsisimula na sa February 6.
01/31/2012 11:04 PM

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...