Sam Milby

Sam Milby

Saturday 18 May 2013

Sam, suwerte sa taon 2013

TULOY na ang alis ni Sam Milby patungong Paris, France sa Biyernes, Mayo 17 para dumalo sa 66th Cannes Film Festival na magsisimula bukas, Mayo 15 hanggang Mayo 26 at para mapanood ang screening ng pelikulang Death March na kasama sa kategoryang Un Certain Regard o A certain glance or a particular outlook mula sa direksiyon ni Adolfo Alix, Jr..

Unang pagkakataong makadadalo si Sam sa ganitong film festival na kasama siya sa pelikula kaya naman sobrang saya raw ang nararamdaman ngayon ng aktor, ayon mismo sa manager niyang si Erickson Raymundo.

Matagal ng pangarap ni Sam na magkaroon ng international career, katunayan ay nag-audition pa siya sa Hollywood noong nakaraang taon at muli siyang pinababalik, pero kailangan niyang ipagpaliban dahil maraming offers sa kanya rito.
Sana may makapansin kay Sam sa mga movie producer/director na dadalo sa Cannes...

Read more:
 http://www.hatawtabloid.com/2013/05/15/sam-suwerte-sa-taon-2013/

 http://i1051.photobucket.com/albums/s436/Cornerstone_TMC/73908_10151234761850971_1910857709_n.jpg
Sam Milby behind the scenes. Photo credits to Olive Zarate


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...