Sam Milby

Sam Milby

Wednesday, 1 May 2013

Sam Milby on dating rumors about Shaina Magdayao and Piolo Pascual: “Kung happy sila, e, di happy sila—ganoon lang.”

Hindi pa rin makapaniwala si Sam Milby na ang indie film niyang Death March, ay kalahok sa Un Certain Regard section ng Cannes International Film Festival ngayong taon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam pagkatapos ng rehearsal niya sa natapos na concert with Danita Paner, Tina Paner, and Rico Puno sa Zirkoh Concert Bar, Tomas Morato.

Dito ay nagpahayag siya ng kasiyahan sa magandang opportunity na dumating sa kanyang acting career.

Saad ni Sam, “Hindi naman kami sa main category [kasali], pero grabe yung priviledge kasi the Cannes filmfest is known to be the most prestigious of… like below Academy [Oscars].

“In indie movies, it’s like Academy Awards.

“And so many big stars na kalaban namin like si James Franco, and I think si Emma Watson nandoon din.

“So, sobrang happy ako kasama ako sa movie. The movie itself is something to be proud of.

“It’s not only a good project, it’s history naman... Bataan Death March na nangyari during the World War.

“Marami akong natutunan from doing the movie.

“Sana makapunta ako sa Cannes talaga,” asam ni Sam.

FIRST FILMFEST. Ano ang naramdaman ni Sam noong malaman niyang nakapasok sa naturang category ang pelikula nila sa Cannes?

Sagot ng Kapamilya actor-singer, “Ah, in disbelief—iyon yung una kong naramdaman talaga when I read that.

“You know, doing indie movies, we don’t do it for the money, we do it for the craft.

“To know that na yung indie movie na ginawa ko, kasama yung ibang magagaling na actor, like sina Sid Lucero, Zanjoe Marudo, John Abalos… marami kami.

“Sobrang happy ako na kasama ako sa movie… to explain the fact na may movie ako na nakapasok sa Cannes Film Fest, that alone is a big thing for me.

“And it’s my first time. Kaya sana, ma-experience ko yung film festival doon and sana makapunta ako doon.

“Sana makakasingit sa schedule ko.”


FROM SINGER TO ACTOR. Ibig sabihin, kumbinsido na si Sam na artista talaga siya at hindi lang isang singer? Dati kasi sinasabi niya na hindi siya artista, mas singer siya.

Napangiti si Sam nang maalala niya ang mga naunang statement niya sa mga interview.

Saad niya, “You know, for the longest time, actually, buong buhay, I’ve always had… I never believed in myself.

“That’s one thing I’ve always struggled with—yung belief ko sa sarili.

“So, I know, I’m growing so much and I’m thankful sa lahat ng projects na ginawa ko.

“That’s why I’ve learned so much from those.

"Hindi naman ako nag-drama noong high school—I never tried acting before.

“I came from PBB [Pinoy Big Brother] and that’s why ever since, 'Actor ba ako?' Parang hindi ako bilib dito.

“But now, I do believe in myself naman and I hope… kasi yung isang bagay na nagho-hold back lang sa akin dito sa Pilipinas ay yung Tagalog siyempre.

“Kasi nahihirapan akong ibigay ko yung emotion kapag iniisip ko yung linya, di ba?

“Kapag mabigat yung eksena, gusto kong ibigay yung tamang pagbigkas at nagkukulang ako sa emotion dahil hindi likas sa akin yung ano [pananagalog].

“Talagang isang struggle na nagho-hold back sa akin.

“I know that there a lot of times that I didn’t give so much better acting, yun ang nagho-hold me back.

“So, hardwork lang talaga ang kailangan.”


MORE CHOICES. Tatanggap na ba siya ng mas maraming indie films ngayon?

Sagot ni Sam, “Hindi naman sa ganoon… pili, pili lang.

"Kung may magandang project na dadating sa akin na indie, sige go! Gusto ko naman, e.

“I mean, it’s not the money, it’s the craft. Marami namang out of the box character yung mga roles na ginagawa sa indie movies.

“And sa Death March, first time kong gumanap ng sundalo… masaya!” nangingiti niyang sabi.

Napapansin ba niya na sa Death March ay parang papunta siya sa kanyang international career.

Noong nakaraang taon ay nawala ng ilang buwan si Sam para sa mga series of auditions niya sa Hollywood.

Sabi niya, “You know, yung teleserye na ginawa ko with Maja [Salvador], it was actually nominated sa Academy Awards ba?

“Or… basta, sa States na awards for the soap operas."

Ang ibig tukuyin ay ang International Emmy Awards kung saan na-nominate ang Impostora ng ABS-CBN noong 2011.

Patuloy niya, “Having these things and this movie na pumasok sa Cannes, siyempre makakatulong.

“But when it all comes down to it… lalo na sa States, sa Hollywood, ang pinaka-importante, lalo na when I was doing auditions there, it doesn’t matter kung ano ang ginawa mo, ang importante is the audition.

“Pero siyempre, nakakatulong. When they see this [Death March], ‘O, okay naman itong audition niya. A, meron siyang ginawang movie na pumasok sa Cannes…’

"Magandang credentials.”

HOLLYWOOD DREAM. Tuluy-tuloy pa rin ba ang kanyang Hollywood auditions?

Sabi ni Sam, “Gusto kong pumunta this year, kaya lang, sobrang dami ng work dito.

“Sobrang happy naman ako dito. Ayoko namang maging hindi grateful sa mga blessings meron ako ngayon.

“So, it’s something that I still want to pursue… but hanggang sa may trabaho pa ako dito, kahit next year.

“Kasi yung time na dapat pupunta ako ng States... kasi nagpunta ako sa States February.

“The same time that was last year kasi yung pilot season, kumbaga, yun ang important auditions para sa mga bagong shows sa mga major networks.

“Kung sakaling may window, may free time ako next year, gusto kong pumunta.”


Read more:
http://www.pep.ph/news/38465/sam-milby-on-dating-rumors-about-shaina-magdayao-and-piolo-pascual-/1/6

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...