Sam Milby

Sam Milby

Wednesday, 29 May 2013

Sam Milby meets Hollywood celebs...

Sam Milby meets Hollywood celebs Steven Spielberg, Jennifer Lawrence, Liam Hemsworth, and Justin Timberlake in Cannes

Isa si Sam Milby sa mga dumalo sa Cannes International Film Festival noong nakaraang linggo bilang isa sa mga delegate para sa indie movie na Death March na idinirehe ni Adolf Alix Jr.
Kasama rin sa pelikula sina Zanjoe Marudo, Jason Abalos, Sid Lucero, Carlo Aquino, at Felix Roco. Pero tanging si Sam bilang bahagi ng cast ang nakapunta sa Cannes.
Kasama naman ni Sam sina Direk Adolf, ang kanilang supervising producer na si Evelyn Vargas-Knaebel, at producer-actor Jacky Woo na kasama rin sa pelikula.

Sabi ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang karanasan, “It was such a short trip pero sa sobrang dami ng nangyari, sobrang sarap talaga, e.
“Yung mga nakita kong Hollywood celebrities, yung kasabayan namin sa red carpet...
"Naglakad kami sa red carpet... si Steven Spielberg ang kasabay namin, tapos kasunod namin si Jennifer Lawrence, Liam Hemsworth...”
Nang sumunod na araw ay nakita raw ni Sam si Justin Timberlake, at nakasama naman niya sa screening ng isang pelikula ang tanyag na Chinese actress na si Zhang Ziyi, at nakapagpa-picture pa si Sam kasama ito.
“Ang saya, sobra!” sambit ni Sam na tila hindi pa rin makapaniwala.
“Actually, sana lang yung mga kasama ko sa movie, kasama ko rin na-experience yun. Marami kami sa movie, e.
"Ako, sobrang happy and thankful na kahit two days lang, pinayagan ako ng ABS-CBN kasi muntik na hindi ako makapunta dahil sa schedule.”




MIXED REVIEWS. Ang tema ng Death March ay tungkol sa Bataan Death March noong World War II, kung saan ang mga bihag na sundalong Amerikano at Pilipino ay pinaglakad ng mga sundalong Hapon ng 128 kilometro, mula Tarlac hanggang Bataan, na ikinasawi ng marami.
Naitanong namin sa Filipino-American actor kung ano ang reviews ng mga nakapanood ng pelikula sa Cannes.
“Hindi ko pa nabasa ang maraming movie reviews. I’ve been hearing good and bad [comments],” pag-amin ni Sam.
Pero pagtatanggol niya, “Hindi pang-masa ang movie. It’s an indie movie, it’s an experimental, artful way of showing Bataan Death March and a very difficult concept.
"I’m happy with it.
“The fact na pumasok sa Cannes, apat na Pinoy movies na kasama sa Cannes… first time in Pinoy history na may apat na movies [na nakapasok sa Cannes].”
Ang iba pang Filipino films na ipinalabas sa Cannes this year ay ang On The Job (OTJ) na pinangungunahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Rayver Cruz, at Shaina Magdayao; at ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz....

 Read more:
http://www.pep.ph/news/38853/Sam-Milby-meets-Hollywood-celebs-Steven-Spielberg,-Jennifer-Lawrence,-Liam-Hemsworth,-and-Justin-Timberlake-in-Cannes?utm_source=twitterfeed&utm_medium=twitter

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...