Sam Milby
Thursday, 7 June 2012
"Sam Milby on working with Judy Ann Santos: ‘Definitely highlight sa career ko’"
6/07/2012 4:25 PM
by: Bernie Franco
“Blessing talaga ang project na ito. Of course after the story conference with the whole cast, sobrang excited talaga ako,” pahayag ni Sam Milby pagkatapos ng story con para sa teleseryeng Against All Odds na pagbibidahan din nina KC Concepcion at comeback teleserye project ni Judy Ann Santos.
Ani Sam, sobrang excited siya sa kanyang magiging role. “’Yung character ko rito talagang iba kaysa sa mga roles na ginawa ko dati. Magiging challenge naman but I’m very excited.”
Offbeat daw kasi ang role kumpara sa mga dati niyang ginawa. “Hindi siya ‘yung tipong Sam na nakikita n’yo sa mga ginawa kong roles. Basta. Ayoko lang i-spoil kung ano ang role ko,” pambibitin pa niya.
Pangalawang proyekto naman nila ito ni KC na nakatrabaho na niya sa pelikulang Forever and A Day kaya advantage raw ito dahil komportable na sila sa isa’t isa. “So mas magiging madali para sa amin na we’ve worked together before. Malaking bagay to make it easier for the two of us, [the fact] that we have worked together.”
Hindi naman maipagkakaila ang kinang sa mga mata ni Sam nang banggitin na si Judy Ann ang makakasama niya rito. “Ito ang first time namin together, to be working with the Queen of Teleserye, definitely highlight sa career ko [and] buong cast din, Tito Pip (Tirso Cruz III), Tita Coney (Reyes), Jessy (Mendiola), Susan (Africa), John Estrada. It’s going to be really good.”
Read more:
http://www.push.com.ph/features/7979/sam-milby-on-working-with-judy-ann-santos-definitely-highlight-sa-career-ko/
Tunnisteet:
Against All Odds,
Jessy Mendiola,
Juday,
Judy Ann Santos,
KC Concepcion,
Sam Milby,
Teleseryes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment