Sam Milby

Sam Milby

Thursday 7 June 2012

"Sam atat nang makatrabaho si Juday"


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated June 08, 2012 12:00 AM 

Makakasama ni Sam Milby sina KC Concepcion at Judy Ann Santos sa teleseryeng Against All Odds. Ngayon ay excited na ni Sam na makapagsimula para sa bagong proyekto.

“Blessing talaga ang project na ito, sobrang excited talaga ako,” bungad ni Sam.

Para sa aktor ay kakaiba talaga ang kanyang role sa nasabing serye.

“’Yung character ko rito talagang iba kesa sa mga roles na ginawa ko dati. Magiging challenge naman but I’m very excited. Hindi siya ’yung tipong Sam na nakikita n’yo sa mga ginawa kong roles, basta. Ayo*ko lang i-spoil kung ano ang role ko,” nakangiting sagot ng aktor.

Minsan nang nagkasama sa pelikula sina Sam at KC kaya mas magiging komportable na ang binata sa aktres sa kanilang mga gagawing eksena.

“Mas magiging madali para sa amin na we’ve worked together before. Malaking bagay to make it easier for the two of us, that we have worked together,” paliwanag ni Sam.



Read more:
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=815125&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...