|
Takot mapasabak sa Englisan, Angeline ayaw maging bf si Sam
SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated June 22, 2011 12:00 AM Comments (0)
Afraid ang Star Power winner na si Angeline Quinto na maging boyfriend si Sam Milby matapos lumabas ang issue na nag-date sila ng hunk actor.
“Ay hindi po totoo ‘yun. Nag-dinner lang naman po kami. Saka hindi lang naman kaming dalawa. Kasama namin ‘yung manager ni Kuya Sam. Nag-usap lang, parang kinuwento ko lang kay Kuya Sam ang mga shows ko sa ibang bansa,” katuwiran niya. “Saka sobrang bait po ni Kuya Sam, kuya at kaibigan ko na siya,” dagdag niya.
Pero inamin naman niyang totoong dati ay crush niya ang hunk actor pero dahil kuya na raw niya ito, iba na ang target niya, si Coco Martin na. “Saka mahirap maging boyfriend si Kuya Sam. English-speaking. Pagod na ako lagi, pagod pa ako sa kanya,” biro ni Angeline sa presscon para sa kanyang solo concert - Angeline Quinto: Patuloy Ang Pangarap na gaganapin sa July 15, 8:00 pm, sa SM Sky Dome.
“Pero hindi naman po sobrang crush. Idol ko siya (Coco) sa pagiging artista,” pahabol niya.
In fact, gusto niya itong imbitahan sa kanyang first major concert pero wala siyang number ng actor kaya ipinaiimbita na lang niya.
Wish din ni Angeline na makatrabaho si Coco lalo na nga’t papasukin na rin niya ang pag-arte.
Wait, pero true pala na parang Regine Velasquez ang style ng pagkanta niya.
Pero mas maigi siguro kung hindi siya makikilalang kaboses o kagaya ni Regine dahil mas bongga kung may sarili siyang style. Mas ok na makilala siya on her own tutal may ibubuga talaga siya sa kantahan at sa totoo lang, maganda ang exposure na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN after niyang magwagi sa Star Power search noon ni Ms. Sharon Cuneta.
Kung tutuusin, kakapanalo pa lang niya pero nagsisimula na siyang gumawa ng sariling pangalan sa music industry.
Mula sa back-to-back guestings, chart-topping hits mula sa kanyang debut album sa ilalim ng Star Records - Patuloy Ang Pangarap, Wag Mo Kong Iwan Mag-isa, at Muling Magmamahal, ang pagkanta sa theme songs ng mga high-rating series na 100 Days to Heaven at Minsan Lang Kita Iibigin, masasabing bagong asset nga siya ng Kapamilya network.
“Eto na po talaga ‘yun. Isa po talaga ito sa mga fulfillment ng pangarap ko. This really means a lot to me”, dagdag ng singer tungkol sa kanyang concert.
Para sa tickets ng kanyang first major concert, tumawag lamang sa 470-2222.
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=698539
No comments:
Post a Comment