Sam Milby

Sam Milby

Friday, 17 June 2011

Marie Digby regrets for not attending Sam Milby’s movie premiere



ISA SA MARAMING sumuportang artista sa premiere night ng Forever and A Day nina Sam Milby at KC Concepcion last Tuesday sa SM Megamall ay si Angelica Panganiban. Sa dalawang bida, kay Sam daw talaga mas malapit si Angel.

Mula raw sa isang event ng kanyang bagong ini-endorsong produkto, agad dumiretso si Angelica roon. Nasa kalahati na raw ng pelikula nang dumating ang aktres, ayon sa aming source, kaya hinintay na lang nito sina Sam at KC sa Chef’s Quarter resto sa naturang mall, kung saan ginawa ang after/cast party.

Nang batiin kami ni Angelica, hindi na namin pinalampas ang pagkakataong hingan ito ng reaksyon tungkol sa pinakabagong issue sa kanya na diumano’y namimili ito ng boto para manalo bilang Best Actress sa nalalapit na 2011 Star Awards for Movies, para sa pelikulang Here Comes The Bride.

“Birthday gift ko kay Rommel (Placente, kapatid namin sa panulat at kapwa miyembro namin sa Philippine Movie Press Club o PMPC) ‘yung Bench GCs, kasi nag-birthday s’ya. Alangan namang cash ang ibigay ko sa kanila.

Mga lima yata silang nagpunta no’n, kaya sabi ko, maghati-hati na lang sila. Ang cheap ko naman kung bibili ako ng award! Tapos GC pa! Kahit huwag na lang akong ma-nominate, okey lang,” paliwanag ng kontrobersiyal na aktres.

Ang akala namin, 10 thousand worth of GCs lang iyon, pero kinorek kami ni Angelica sa kanyang nakakatawang pananalita. “Excuse me, 15 thousand (worth) ‘yon!”



NANGHIHINAYANG NAMAN DAW si Marie Digby na hindi ito nakapanood ng premiere night ng first movie team-up nina Sam Milby at KC Concepcion, ito raw ang sinabi ng YouTube sensation sa actor-singer thru text siguro, dahil nakabalik na raw ito ng Tokyo, Japan.

“Sayang, she (Marie) cannot stay any longer here, because of her Visa,” tsika ni Sam.

“We don’t talk much. Mga once every two or three weeks lang,” dagdag pa ng leading man ni KC nang kamustahin namin silang dalawa ni Marie at ang supposed collaboration nila for her very first record album that she’s currently doing for Star Records.



NAKAUSAP DIN NAMIN sa nasabing event si Matet de Leon tungkol sa kanyang inang si Nora Aunor na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon.

“Gustung-gusto ko na s’yang makabalik dito. Hindi pa n’ya nakikita ang mga anak ko. Pitong taon na ang panganay ko,” sey ng dating child star.

Seven years na rin daw kasing nasa States ang nag-iisang Superstar, ayon kay Matet. Kung puwede nga raw kausapin at kumbinsihin ni Matet ang kanilang ina na umuwi na rito sa Pilipinas, sabi raw sa kanya ng confidante at kaibigan ni Ate Guy na si Albert Sunga. Kinamusta rin namin sa aktres ang kanyang apat na kapatid.

Si Lotlot daw ang kumukupkop sa younger brother nilang si Kiko. Si Balot daw ang tumatayong manager ng pa-nganay na anak nito na si Janine Gutierrez na tuluyan na ring pumasok sa showbiz ngayong naka-graduate na ito ng college sa Ateneo de Manila University. Ang Kuya Ian de Leon naman daw ni Matet ay nakatira pa rin sa daddy nilang si Christopher de Leon sa Parañaque at kasalukuyang may TV project naman daw sa GMA-7 din. Sa tahanan naman daw nila ng kanyang asawang si Mickey Estrada nakatira ang bunsong kapatid na si Kenneth na sabi ni Matet ay ang nakakausap ng kanilang ina. Kinumpirma rin sa amin ng aktres na pinadalhan nga raw ng kanilang mommy si Kenneth ng isang cellphone nu’ng isang buwan at kung anu-ano pa raw kung minsan.

by Francis Simeon


http://www.pinoyparazzi.com/marie-digby-regrets-for-not-attending-sam-milby%E2%80%99s-movie-premiere/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...