Sam Milby

Sam Milby

Monday, 27 June 2011

Director Cathy Garcia-Molina brings out the best in Sam Milby and KC Concepcion



GOOD FRIENDS KC Concepcion and Sam Milby team up for the first time in the romantic movie “Forever and a Day” directed by Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Sa trailer pa lang ng pelikula, masisilip na natin ang isang kakaibang love story. “It took me a day to fall in love but it will take me forever to say goodbye” ang sabi ng karakter ni Sam.

“Forever and a Day” takes moviegoers to different picturesque destinations like Bukidnon, Cagayan de Oro and Lanao del Norte. Although they were shooting their movie, nagsilbi ring tulay ang pelikula para makapag-bonding sina KC and Sam who enjoyed the rapids and the zipline.

Hindi naman maubus-ubos ang mga papuring ibinibigay ng dalawa kay Direk Cathy. Ayon sa abs-cbnNEWS.com, sinabi nina KC at Sam sa kani-lang interview sa DZMM’s Showbiz Mismo na naging maganda ang kinalabasan ng pelikula dahil sa commitment na ibinigay ng kanilang direktor.

Sabi ni KC, “Fan ako ni Direk Cathy. La-ging may twist iyong mga pelikulang ginagawa niya. In this case parang iba iyong attack, iba iyong dating ng feeling sa iyo paglabas mo ng sinehan.”

Ito ang ikaapat na pagsasama nina Sam at Direk Cathy sa pelikula. Nauna na nilang ginawa ang Close to You, You Are the One, at You Got Me na pawang mga naging box-office hits.

Kuwento ni Sam, “Ito ang pang-apat na movie na we’ve been together and sa lahat ng movies na nagawa namin, this one talagang we got the closest. Nag-usap kami kasi for a director to bring out the best in you, dapat malaman niya lahat ng bagay tungkol sa iyo, to know how to motivate you. Talagang nag-usap kami. She got to understand me more.”
Patuloy na namamayagpag sa takilya ang pelikula. Masaya sina KC at Sam dahil sa positive reviews na natanggap ng kanilang pelikula on its first screening day. “Marami nga pong nagsabi na talagang gustung-gusto nila kung paano ang attack sa kanila ng pelikula kasi hindi siya iyong tipo ng pelikula na masasabi mong light drama or nakakaiyak, malungkot ang pelikula. Parang hindi mo masabi kung ‘Paano ba ako tinamaan ng pelikulang ito?’ Iba iyong pakiramdam so parang nakakatuwang isipin,” KC says.

May iniwang isang katanungan ang karakter ni KC sa pelikula: “Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mong mawawala rin sa iyo?” Kayo, ano ang sagot ninyo?



Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...