Sam Milby

Sam Milby

Saturday 10 September 2011

Sam sugatan sa aksidente na naman sa motor


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated September 10, 2011 12:00 AM 



Kamakailan ay muling nadisgrasya si Sam Milby dahil sa pag-eensayo ng sport niyang motocross. Nakatakda kasing mag-compete ngayong weekend ang aktor sa isang motocross event.

“’Yung nakaraang gabi medyo malakas ’yung ulan, so, medyo maputik ’yung iba’t ibang parte ng track. I was going over the whoops. ’Yung maliliit na jumps, medyo mabibilis. Tapos sa dulo medyo maputik, malaki ‘yung puddle, nadulas lang ako, nahulog lang,” kuwento ni Sam.

Malaking galos sa braso ang tinamo ng binata at inalagaan siya ng isang importanteng tao noong panahon na iyon.

“’Yung ate ko, actually sumama siya sa akin. Noong tumayo ako, okay lang medyo mahapdi, tumigil ako. ’Tapos nakita ko madaming dugo, ’yung ate ko ang nag-alaga sa braso at sugat ko,” dagdag pa ng aktor.

Masaya si Sam dahil ngayon ay nagbabakasyon dito sa Plipinas ang kanyang pamilya. “Sarap naman kasi siyempre mag-isa lang ako sa bahay. Ngayon nandoon ’yung ate ko, nandoon ’yung mom ko, at ’yung pamangkin ko, at nasasanay na ’yung pamangkin ko sa akin. Medyo kampante na siya sa akin so masaya,” pagtatapat ni Sam.

Samantala, nakikiusap si Sam na huwag nang mag-alala ang kanyang mga tagahanga dahil mabuti na ang kanyang kalagayan ngayon.

“Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Okay naman po ako, okay naman po ’yung braso ko. Sa sport na ito, iyon ang truth, don’t worry na. Nag-iingat ako kapag nagmo-motocross ako. Magdasal lang po kayo na okay naman ’yung karera ko ngayon,” hiling pa ng binata.

http://www.philstar.com/Article.aspx...izNewsNowNa%29

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...