Thursday, September 22, 2011
02:43 PM
02:43 PM
Pagkatapos ng teleseryengIdol with Sarah Geronimo and Coco Martin at ng pelikulangForever And A Day with KC Concepcion, marami ang nakakapansin na parang hindi na ganung ka-visible ang actor-singer na si Sam Milby.
Sa ngayon, ang regular show lang ni Sam ay ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.
ALTA. Marami sa mga tagahanga ni Sam ang naghihintay sa pagbabalik niya sa paggawa ng teleserye.
Kasama si Sam sa cast ng matagal nang napapabalitang teleserye ng ABS-CBN, ang Alta. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasisimulan.
May usap-usapan na shelved na diumano ang seryeng ito, bagay na agad namang nilinaw ni Sam sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Ang alam ko, dapat three months ago, dapat nag-start na kami right after ng movie namin ni KC.
"Pero hindi ko alam kung bakit na-delay. Siguro dahil busy sa ibang shows ang iba naming kasama and revisions na rin ng script.
"We're just waiting pa, pero alam ko tuloy.
"Nag-workshop ako isang beses with Direk Laurice [Guillen] and Zanjoe [Marudo], yun pa lang preparations namin.
"Ang alam ko, kaming boys, magte-training kami ng military. That's something new for me kasi wala pa akong ganitong role before.
"Alam naman ng lahat na tuloy lang talaga pag nag-grind na yung mga camera.
"Pero as my understanding, yes, tuloy ang Alta," sabi ni Sam.
Pero para kay Sam, blessing in disguise ang pagkakaantala ng taping ng Alta.Nagbakasyon kasi recently dito sa Pilipinas ang pamilya niya and he was given a chance to spend time with them.
"Hindi pa kami nag-uumpisa. Mag-i-start kami beginning of October.
"But mabuti naman yun kasi malaking soap ang Alta and nandito ang ate at pamangkin ko. My mom left last Monday.
"Maganda na nandito sila na hindi pa nag-start yung Alta."
SAM'S LATEST ALBUM. Sa ngayon ay may bagong album si Sam, ang Be Mine, under Star Records. May original composition siya rito at karamihan ng songs ay puro original.
"Ang ganda ng bagong album ko kasi puro originals, dalawa lang ang remake dito—'All My Life,' theme song ng movie namin ni KC, and 'I Love You So.'
"Yung iba, like 'Hindi Kita Iiwan,' si Jonathan Manalo ang sumulat.
"I'm happy kasi malakas ito sa radyo at balita ko, nag-number one sa Astro Plus."
Dagdag pa niya, "May isang song akong isinulat, 'Pushing Me Away.'
"Naisip ko ito two years ago pa, nagkaroon ako ng melody at lyrics.
"It was long time ago, tapos nung nalaman ko na kailangan ng original for this album, sabi ko, shoot, baka puwede ito."
MARIE & ANNE. Sa album naman ng dating na-link kay Sam na si Marie Digby ay mayroon silang duet.
Ayon kay Sam, "I'm happy kasi sa reaction sa Twitter, nagustuhan nila yung song na 'Your Love' and she's [Marie] the one who wrote it.
"It's a tie-up with Star and Universal. Nag-duet kami and maganda naman."
Nang tanungin kung hindi na ba talaga nadugtungan ang special something nila before ni Marie, sinabi ni Sam na magkaibigan pa rin sila pero hanggang doon na lang daw talaga ito sa ngayon.
"I haven't seen her except sa [Star Magic] Ball," sabi niya.
"We still text sometimes but hindi naman madalas, but we're friends naman.
"She's doing a lot of shows and I'm so happy for her at lumabas na ang album niya.
"Fan ako kahit sa mga music videos niya."
Lalabas na rin ang album ng ex-girlfriend ni Sam na si Anne Curtis para naman sa Viva Films. Bibili ba si Sam ng album ni Anne?
"Of course, I'll buy her album," mabilis na sagot ni Sam.
"Yun ang pangarap niya and I'm excited to hear it.
"Alam ko ang favorite song niya, she sings it all the time.
"Album now, susunod niyan, concert na."
No comments:
Post a Comment