by Rose Garcia
November 10, 2012
Photo credits to Noel Orsal
Love interest ni Pokwang ang role ni Sam Milby sa pelikulang 24/7 In Love ng Star Cinema na ipapalabas na sa November 21 sa mga sinehan.
Ang star-studded project na ito ay original Star Magic production na bahagi ng celebration ng kanyang ika-20thanniversary.
May kanya-kanyang kuwento rito sina Piolo Pascual at ang mga bagets na sina Xyriel Manabat at Zaijan Jaranilla, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.
Magpapakilig din sina Diether Ocampo at Maja Salvador, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Gerald Anderson, at Sam at Pokwang.
Sa press conference pa lamang na ginanap noong Huwebes ng gabi, November 8, sa Dolphy Theater, may mga nagbiro kay Sam kung hindi raw ba nahirapan ang Star Magic na kumbinsihin siya na maging leading lady si Pokwang.
Sagot ni ng Fil-Am actor, “Maganda naman si Marietta [Pokwang's real name]. Love ko ‘to. Six years na kaming nagtu-tour. Love ko talaga si Marietta.”
Humirit naman si Pokwang na “virgin” pa raw siya, bagay na sinang-ayunan naman ni Sam.
“Virgin talaga si Marietta sa kissing scene. So, ako ang first niya.”
Para kay Sam, mas gusto raw niya ang kuwento na napunta sa kanilang dalawa ni Pokwang bilang comedy ito.
“Ako, mas nawawala ang pressure sa akin kasi it’s comedy. Masaya lang sa set. Very easygoing lang. It’s easier and the fact na matagal na kaming friends [ni Pokwang] sa mga tours, it made it a lot easier.”
Read more:
http://www.pep.ph/news/36377/Sam-Milby-to-have-kissing-scene-with-Pokwang-in-24/7-In-Love
No comments:
Post a Comment