Sam Milby

Sam Milby

Friday, 30 November 2012

Sam Milby on zero lovelife: “Yung mundo ko dito, siyempre nasa showbiz lang, wala akong nakikilala na new people, you know.”

from PEP
Arniel C. Serato
Friday, November 30, 2012 




Maagang dumating si Sam Milby sa Glorietta Activity Center noong Martes, November 27, kung saan ginaganap ang 25th Aliw Awards.

Nominado kasi si Sam sa kategoryang Best Ballad Recording para sa awitin niyang "Hindi Kita Iiwan."

Luckily, hindi naman nasayang ang kanyang pagdalo sa okasyon dahil siya ang nanalo.

Pagkatapos niyang magawaran ng Best Ballad Recording trophy, masayang humarap si Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, sobra raw niyang ipinagmamalaki ang kanyang nakuhang award.

Sabi ni Sam, “This is actually my first Awit Award, so big thing for me.

“Thank you so much to Awit Awards, to PARI, to Star Records, and Jonathan Manalo, my producer—he’s also the one who 
wrote the song so big thing ito. Thank you for giving me the song.

“Wala... wala ako masabi.”

Isa rin daw patunay ang kanyang natanggap na tropeyo na isa rin siyang singer.

Pahayag niya, “Yes it is, it’s a big thing for me ‘coz I think a lot of people, they don’t look me as a singer, they look me more as an actor.

“So the fact that I get a music award, lalo na sa Awit Awards, is a big plus.

“Kumbaga, yung Grammys is the biggest award-giving body for music, most prestigious; here in the Philippines, it’s Awit.”

ZERO LOVELIFE. Bongga man ang kanyang career, zero naman daw siya pagdating sa lovelife—at hindi daw niya ito choice.

Natatawa niyang sabi, “Darating din yun. Wala pa naman.

“I don’t know… di naman choice, wala, e.

"Yung mundo ko dito, siyempre nasa showbiz lang, wala akong nakikilala na new people, you know.”


AGAINST ALL ODDS. Inusisa na rin ng press si Sam kung ano na ang progress sa teleserye nila nina Judy Ann Santos at 
KC Concepcion sa ABS-CBN—ang Against All Odds.

Inamin niyang baka second quarter pa daw ng 2013 ang airing nito, taliwas sa napabalitang January ito sisimulang ipalabas.

Sabi niya, “Second quarter pa ng 2013.

“I think mas mahirap siyempre, kasi may movie siya [Judy Ann], nagsu-shoot din siya ng movie for MMFF. Sa December na ‘yan.

“Actually, napakahirap talaga para sa kanya yung schedule—may MasterChef, movie, serye, then mga anak niya.”

Pinabulaanan naman ni Sam na nagkaroon ng pagbabago sa casting ng Against All Odds at isa siya sa natanggal.

Sabi niya, “Ay, hindi po totoo yun. Andun pa rin ako sa Against All Adds.

“Na-put on hold lang yung taping namin. Baka nga second quarter siya lalabas.”


Read more:
http://www.pep.ph/news/36632/sam-milby-on-zero-lovelife-ldquoyung-mundo-ko-dito-siyempre-nasa-showbiz-lang-wala-akong-nakikilala-na-new-people-you-knowrdquo

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...