Sam Milby

Sam Milby

Friday 29 July 2011

Yeng hahataw sa Rak En Rol

(Pilipino Star Ngayon) Updated July 29, 2011 12:00 AM 


MANILA, Philippines - Sa umpisa ng taong 2011, humataw agad si Yeng Constantino - limang parangal na agad ang kanyang naiuwi - Favorite Female Artist, Favorite MYXCelebrity VJ, Favorite Music Video at Favorite Song mula saMYX Music Awards. Lahat ng kanyang naipanalo ay mula sa isa sa kanyang masterpieces na Jeepney Love Storyna kabilang sa kanyang pangatlong album na Lapit (ang album na nanalo rin bilang Album of the Year sa 2010’s Star Awards for Music). Naging Favorite Collaboration din ang kanyang awiting Kung Wala Ka Na kasama siTutti Caringal at Kian Cepriano.

Ngayon isang bagong album entitled Yeng Versions Livemula sa Star Records ang ilo-launch ni Yeng ngayong buwan na muling magpapatunay sagaling ni Yeng bilang isang kompositor at mang-aawit.  
Ang singer at composer ng Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko (opisyal na Star Magic music video song) ay muli ring magbabalik sa isang major concert.
Maki-jam kay Yeng sa Rak en Rol Jamming With Yeng Cons­tantino sa Aliw theater ngayong darating na August 5, 2011.

Makakasama niya sa concert ang kanyang Music Uplate Live co-host na si Tutti Caringal, Gloc 9, Raymond Marasigan, ang Rockoustic Heartthrob na si Sam Milby at marami pang surprise guests.
Ang Rak en Rol Jamming with Yeng Constantino ay produced ng RRJ, Recording Breaker Events at Star Events.

Para sa tickets, tumawag sa Ticketworld (tel. no. 891-9999) at SM Tickets (tel no. 470-2222).

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...