Sam Milby is happy that he's spending Christmas here with his parents, who flew all the way from the U.S.
Lubos ang saya ni Sam Milby ngayong Pasko dahil makakasama niya ang kanyang mga magulang.
Nagpunta raw ang kanyang Nanay at Tatay dito sa Pilipinas para ipagdiwang ang Pasko kasama siya at ang kanyang mga kapatid, na nakabase na rin dito sa Pilipinas.
Dahil sa U.S. nakatira ang kanyang mga magulang, siyempre, sabik siyang makasama sila.
Sa isang panayam kay Sam kamakailan, sinabi niya, “Siyempre, mas mahirap talaga to be away from my Mom and my Dad.
“My Dad is actually turning 80 next year pero malakas pa rin siya, he’s very healthy.
“Pero, you know, it’s very important to spend time with your family, especially with my parents because of how much they sacrificed para sa akin.
“I wanna be able to spend time with them.
“I’m happy na nagpunta sila rito, and I’ll be able to spend Christmas and New Year with them.”
Samantala, kung mayroon mang isa pang mahihiling si Sam, ito ay ang makasama rin ang kanyang half-brother na nasa U.S. din.
Ayon sa lead actor ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, “Ilang years na never kaming nag-Christmas together.
“I think mga 15 years. I mean, he’s still my half-brother.
“It would be so nice kung ‘yong buong [family], lahat kami magkakasama pati half-brother ko.
“I’d love for us to be together..
Read the full tory here:
No comments:
Post a Comment