Sam Milby

Sam Milby

Monday 29 July 2013

"Anne-Sam-Cristine movie, tuloy"

(Posted by Online Balita on Jul 28th, 2013
Ni Reggee Bonoan)


FINALLY, tuloy na ang balik tambalan sa pelikula ng exlovers na sina Anne Curtis at Sam Milby plus Cristine Reyes sa direksiyon ni Chris Martinez under Viva Films.
Ayon sa kuwento sa amin ng Viva insider, ang titulo ay The Gifted kaya mapapanood sa pelikula na saksakan ng talino at campus figures sa eskuwelahang pinapasukan sina Anne, Cristine at Sam.

Masaya raw ang ginanap na storycon ng pelikula na dinaluhan ng tatlong bida at may nagpadala kaagad ng bulaklak galing sa MASENNA (binaligtad na Anne at Sam) supporters.
May halong comedy raw ang The Gifted lalo’t comedy director naman talaga ang direktor, pero hindi mawawala ang intimate scenes sina Sam at Anne o Cristine at Sam.
Umuulan talaga ang blessings ngayong 2013 kay Sam na bukod sa magagandang review sa kanya sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ay may pelikula pa at tambak ang endorsements tulad ng SM Milano Shoes at Lion Zact (kilalang brand ng toothpaste sa Japan), Samsung, etc.




Read  more:

http://www.balita.net.ph/2013/07/28/anne-sam-cristine-movie-tuloy/#.UfWk30mprFI

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...