KC said she is happy that her character will have a proper backstory. “Ang bidang kontrabida ngayon is something na mas accepted na ng tao kasi mas naipapakita ng ABS-CBN, especially yung buhay ng isang masasabi mong bida kontrabida na nalalaman naman nila kung bakit naging ganun. Kumbaga sabi sa akin nung mga director namin, mamahalin din si Alexis dito. Although ine-expect ko na rin na madaming maiinis. Pero marami rin siyang back story eh like simula nung bata sila ni Eros, simula nung pagkabata nila magkasama na sila. Merong mga nangyayari na hindi niya rin ginagawa on purpose kasi nga masyado na silang magkakilala dito. Si Alexis siyempre ito yung ine-expect ng tao na kontrabida talaga pero siguro ang maganda kay Alexis, she is not the main kontrabida kasi you will not hate Alexis. She is somebody
na makikita niyo yung pinanggagalingan ng babae kung bakit siya naging
ganun. Kung bakit siya nangagalmot pag binubulabog. Kung bakit din siya
yung marunong makipaglaban at ipaglaban yung sarili niya pag
kinakailangan,” she explained.
KC admitted that Alexis has qualities that everyone can relate to, even
if they are not necessarily positive traits. “I always say na there is
an Alexis in everyone. Mapa-babae, mapa-querida, mapa-single girl, single parent or single woman or beki man yan. Yung pagmamaldita, sa totoo lang I have so much fun with it. As in tuwang tuwa ako sa character niya kasi ito yung tipong nagpapakatotoo siya. Pinapakita niya sa viewer yung lahat ng sides niya. Yung viewer lang yung makakakita nun kasi kapag kaharap ni Alexis si Tito Romulus (Tirso Cruz III) niya, iba rin pag kaharap niya si Anessa (Judy Ann Santos), iba rin pag kaharap niya yung pinakamamahal niya sa buhay niya na si Eros (Sam Milby). So exciting siya for me at pag nag-action na feel na feel ko na yung ginagawa kong pang-bu-bully,” she said.
Read more:
No comments:
Post a Comment