Sam Milby

Sam Milby

Friday 6 May 2011

KC, hindi dinadalaw ni Piolo!



Sa darating na June naka-schedule ipalabas ang pelikula nina KC Concepcion at Sam Milby, ang Forever And A Day, ng Star Cinema. Halos kalahati na raw ng pelikula ang natatapos ng dalawa.

Pero, sa ilang linggong shooting daw nina KC at Sam, kataka-taka raw na hindi pa man lang dumadalaw si Piolo Pascual sa shooting ng girlfriend na si KC at ng kaibigang si Sam.
Pero, ayon sa aming source, hindi raw umiiiwas si Piolo na dumalaw sa shooting nina KC at Sam.

Bagkus, nasa Amerika raw talaga si Piolo, at sadyang malayo raw ang location ng shooting nina KC at Sam, na karamihan ng eksena ay sa Cagayan De Oro at Bukidnon ginagawa.

Anyway, kahit hindi masyadong visible si Piolo sa TV, marami raw itong ginagawa ngayon. Ang pagpunta raw nito sa Amerika ay para ayusin ang ilang personal na bagay.

Siyanga pala, dahil love story ang tema ng movie nina KC at Sam, sinisiguro ng aming source na may kissing scene ang dalawa. Hindi lang sure ang aming source kung gaano katindi ang gagawing halikan ng dalawa, o kung ilang beses ang halikan nila.

Pero, siguradong kikiligin ang mga fans ng dalawa sa movie nila.


Siyanga pala, sa May 11 na ang showing In The Name of Love na pinagbibidahan naman nina Angel Locsin at Aga Muhlach na dinirek ni Olive Lamasan.

http://www.abante.com.ph/issue/may0211/ent_others02.htm

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...