Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 26 November 2013

Jessy Mendiola admits Sam Milby has an advantage over her other admirers

Tila hindi masyadong siniseryoso ni Jessy Mendiola ang mga hayagang pagpaparamdam sa kanya ng ilang male celebrities—kasama na sina Jake Cuenca, Sam Milby, at ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng.
Sa interview na lumabas sa Buzz Ng Bayan noong November 24, Linggo, may halong birong hinamon ng Teng brothers si Jake sa larong basketball, upang magkasukatan daw sila kung sino ang nararapat sa atensiyon ni Jessy.  
Game namang sumagot si Jake at sinabing payag siyang maglaro ng basketball kung sasang-ayon ang magkapatid na maglaro ng football, ang sports na hilig ng Kapamilya actor.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Jessy kagabi, November 25, sa premiere ng Call Center Girl.
Kinunan siya ng pahayag hinggil sa pahayag ng mga nauugnay sa kanya.
Sabi ng magandang aktres, “Ewan ko sa kanila, parang nagbibiruan naman yata sila sa TV.
“Ako naman, sa ngayon, wala naman talaga yung talagang nanliligaw… yung sobrang dumadalaw sa taping.
“Para sa akin, yun ang ligaw talaga—yung masugid na nanliligaw, dumadalaw sa taping, bibili ng pagkain.
“Kahit anong busy mo, nakikita mo siya kahit five minutes lang.
“Pero, I guess, all of them are busy, and I am busy.
“Kahit tulog, wala ako, so paano ko ba iha-handle ‘yon, kung di ko man ma-handle ang tulog?”
Pagpapatuloy ng Maria Mercedes star, “I mean, kung seryoso man, hindi ko ma-feel.
"Kasi, if ever man nanliligaw sa ‘yo... alam mo yun?
“Para sa akin, ngayon, trabaho ang napagtutuunan ko ng pansin.
"So, hindi ko masyadong alam kong nanliligaw ba sila o nagpaparamdam ba, or they just want to be friends with me.” 
ON SAM MILBY. Gayunpaman, sa lahat ng mga nauugnay kay Jessy, aminado ang aktres na si Sam ang mas nakakalamang kumpara sa iba...
Read more: 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...