Sam Milby

Sam Milby

Saturday 10 August 2013

Sam Milby on working with Judy Ann Santos in Huwag Ka Lang Mawawala: “Very inspiring… intimidating.” 

 
 Sam Milby narrates how Judy Ann Santos pushes him to be a better actor: “I mean napakagaling talaga and sobrang thankful ako sa pasensiya niya, patience niya sa akin, siyempre di naman maiiwasan na nabubulol pa rin ako minsan tsaka mabibigat. Kasi mabigat and suspenseful teleserye kasi and minsan mga heavy drama scenes na iyakan siya, minsan nahihirapan talaga ako pero I’m very thankful that she’s helping me out the whole time. And she’s behind me and believing in me always na kaya ko, kaya malaking bagay yun sa akin. Sobrang thankful ako na she pushed me, and that she handpicked me para sa role na ito and it helps me become a better actor, pati sa Tagalog nakatulong siya.”
Photo: Noel Orsal


Maagang dumating si Sam Milby para sa ribbon cutting ng Chlooe’s Closet, isang bagong pambatang dress shop sa may third floor ng Shoppesville, Greenhills kaninang hapon, August 10.

Bago pa magsimula ang programa, nagpaunlak si Sam ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dito ay masaya niyang ibinalita ang mga kaabang-abang pang mga mangyayari sa malapit nang magtatapos na serye nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion, ang Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN.

Sabi niya, “Andami, e malapit nang matapos so dapat i-expect…

“Di ba kasi pag ending ng mga teleserye kadalasang 'one big wow revelations,' sobrang exciting kasi yung mga dapat abangan sa last two weeks.

“Siyempre laban na kasi ni Anessa, the ball is in her court na kumbaga. Na nakita na nung mga tao na mali yung batang nakuha niya, hindi naman yun yung anak niya so you have to see what will...

“Kung paano ma-exchange kung paano niya makukuha niya yung tunay na anak niya.”

Sa show ay bida-kontrabida ang role ni Sam bilang si Eros Diomedes, ang dating asawa ni Judy Ann na ngayon ay napunta na kay KC. Nahirapan ba siyang maging kontrbaida?

Pakatotoo niya, “Of course, siyempre never ko pa nagawa ang isang bida-kontrabida role na gray character kasi, instead na dapat kontrabidang-kontrabida, dapat may paawa effect sa mga tao.

“Dapat maunawaan ng mga tao kung bakit dapat ganun yung character ko, di ba, so sobrang mahirap.

“Ang sama kasi talaga ng karakter ko, lalo na nitong bandang dulo. Medyo ano e, parang nababaliw na siya dahil sa mga pangyayari.”

Hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga haters and bashers ang mga artista kapag kontrabida ang kanilang mga ginaganapan sa isang soap opera. Pero pasalamat daw ni Sam ay halos good haters and bashers naman daw ang mga ito.

Saad niya, “May mga haters, may mga bashers pero lagi naman in a good way.

“Happy ako dahil imbes na magalit yung mga tao sa character ko palaging sabi nila, ‘Nakakainis yung karacter ni Sam, si Eros, sobrang bad siya.’

“Pero sabi pa nila, ‘You’re portraying the role very well so congrats.'”...

Read more:
http://www.pep.ph/news/39901/sam-milby-on-working-with-judy-ann-santos-in-huwag-ka-lang-mawawala-ldquovery-inspiringhellip-intimidatingrdquo

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...