Sam Milby contradicts speculation that Huwag Ka Lang Mawawala will end because of poor ratings
by Melba R. Llanera
posted on August 8, 2013
"Sinong nagsasabi na mababa ang ratings? Every time that I check on
the ratings, sobrang taas ng ratings namin, so obviously it’s not true,"
sabi ni Sam Milby sa usap-usapang kaya mawawala na sa ere ng Huwag Ka
Lang Mawawala ay dahil sa mababang ratings daw nito.
Photo: Noel Orsal
Huling dalawang linggo na ng ABS-CBN primetime series na Huwag Ka Lang
Mawawala. Bida rito sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Sam Milby.
Nagsimula itong umere noong June 17 at magtatapos na sa August 23.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine
Entertainment Portal) at Cinema News kay Sam, itinanggi nito na hindi
ratings ang dahilan kung bakit tatapusin na ang kanilang programa.
Sabi ng actor-singer, “Yung ratings? Sinong nagsasabi na mababa ang ratings?
“Every time that I check on the ratings, sobrang taas ng ratings namin, so obviously it’s not true.”
Ang tinutukoy ni Sam ay ang nationwide ratings na nakukuha mula sa
TNS-Kantar Media, kung saan lamang ang Huwag Ka Lang Mawawala sa katapat
nitong programa sa GMA-7, ang My Husband’s Lover.
Dagdag niya, “The original plan is thirteen weeks lang yung teleserye namin, one season.
“Ako, actually, I was hoping na mag-e-extend.
“Nag-e-enjoy naman ako and sobrang happy sa feedbacks and everything.
“And mataas ang ratings namin, so lahat kami, sobrang saya.
“Parang after a year of taping, nakakalungkot na matatapos na kami, last two weeks.
“Basta sobrang thankful ako sa project na ito, working with Juday and everyone.
“Sobrang thankful ako kay Juday talaga, to sacrifice para sa aming lahat, how she believes on us and in this project also.
“Kay Sir Deo [Endrinal] and everyone, dahil sa project na ito, I was able to push myself more.”
Malungkot man sa pagtatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala, masaya raw si Sam na isang magandang serye ang iiwan nila sa publiko.
“Ako, proud talaga ako sa role na ito.
“Masaya naman kung tumagal ng kaunti, yeah.
"But, at the same time, magiging masaya ‘coz I have a feeling, sa ganda ng story, I think we’ll end on a high note.
“Matatapos na, it’s really a great story na ako, when I get to watch, pati ako nae-excite din.
“Happy ako na everyone is enjoying the show.”
...
read more:
http://www.pep.ph/news/39882/Sam-Milby-contradicts-speculation-that-Huwag-Ka-Lang-Mawawala-will-end-because-of-poor-ratings
No comments:
Post a Comment