Sam Milby

Sam Milby

Thursday 18 October 2012

"SAM MILBY, MERONG MALAKING SURPRISE IN THE NEXT MONTHS!"



Wala sa bansa ngayon ang anak-anakan nating si Sam Milby – busy siya sa New York ngayon for a very special project. Hindi pa puwedeng sabihin kung ano yung project na ginagawa niya ngayon sa Amerika pero for sure, ito na yung bunga ng kaniyang pag-stay roon these past couple of months, remember? 


Tamang-tama lang naman ang pag-arangkada niya sa said project abroad dahil kasalukuyang nahinto muna ang taping nila ni Judy Ann Santos para sa teleserye nilang Against All Odds – kailangan kasing tapusin muna ni Juday ang pilot ng isang cooking show nito sa ABS-CBN na meron ng playdate. But definitely, Sam will be back very soon to continue taping with Juday aside from the indie film na “Death March” na natapos na niyang gawin.

Sobrang busy talaga ni Samuel. In fact, kahit kami ay hirap makakuha ng concert slot sa kaniya dahil sa fully-booked ang sked niya. But we understand dahil natataon lang na naapakan ang gusto naming sked for him. Ang mahalaga ay maraming projects na nakakahon ngayon para kay Sam Milby. Kaya huwag kayong magulat pag nasimulan nang ipalabas ang isa, sunud-sunod na iyan. Walang patid. Kaya definitely Sam will again become the most important star ng ABS-CBN. 

read more
http://pssst.com.ph/2012/10/ikaw-na-ni-jobert-sucaldito-%E2%80%93-october-17-2012/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...