Sam Milby

Sam Milby

Thursday 27 September 2012

Star Magic catalogue ilulunsad sa Asap 
(Pilipino Star Ngayon) Updated September 27, 2012 12:00 AM Comments (0) 

MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng ika- 20 anibersaryo ng ABS-CBN Star Magic, ilulunsad ang Star Magic Catalogue 2013 ngayong darating na Linggo, September 30 sa ASAP.

Taon-taon ay ginagawa ng talent management ang espesyal na Star Magic magasin na published ng ABS-CBN Publishing. Mistulang isang fan memo*rabilia kung saan makikita sa nasabing magasin ang mahigit sa tatlong-daang artista sa halos dalawang daang pahina na kinunan ng mga kilalang photographers na sina Ria Regino, Dix Perez at BJ Pascual. Naging stylists na sina Kat Cruz at Rex Atienza.

Highlight ang mga glamorous photos nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Coco Martin, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Erich Gonzales, Sam Milby, Maricar Reyes, Jake Cuenca, Julia Montes, Xian Lim, Kathryn Bernardo, Pokwang, Kim Chiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, John Lloyd Cruz, at marami pang iba. Mayroon ding mga behind the scenes photos ang mga paboritong artista sa magasin.

Mabibili na ang Star Magic Catalogue sa lahat ng leading bookstores nationwide sa halagang 200 pesos.
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=853240&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...