Sam Milby

Sam Milby

Wednesday, 26 September 2012

"Sam Milby does not regret leaving local showbiz to try his luck in New York"

By Nerisa Almo
Wednesday, September 26, 2012 


“I think the experience that I had in the States, I don’t regret it. It’s something that I needed and I’m still pursuing that,” says Sam Milby about the three-month break from Philippine showbiz that he took earlier this year to try his luck in New York.
Photo: Bam Abellon

Matagal mang nawala sa mata ng publiko, hindi naman pinanghihinayangan ni Sam Milby ang naging desisyon niyang subukan ang kanyang kapalaran sa New York.

Pebrero ng taong kasalukuyan nang umalis si Sam sa Pilipinas para mag-audition sa ilang TV networks sa New York.

Dahil dito, ilang proyekto ang hindi niya nagawa, kabilang na ang role sana ni John Lloyd Cruz sa pelikulang The Mistress.

“Actually, yung The Mistress, yun dapat ang role ko. And people feel na nanghihinayang kasi ang ganda ng movie.

“But ako, I think the experience that I had in the States, I don’t regret it,” sabi ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na naimbitahan sa press conference ng Dermablend kahapon, Setyembre 25.

Paliwanag pa ng Star Magic talent tungkol sa kanyang pag-alis noon, “It’s something that I needed and I’m still pursuing that.

"Hindi naman nag-give up na ako, three months lang ako doon, e.

“That was my initial plan anyway, pabalik-balik ako doon.

“But no [regrets]. It was an amazing experience, I learned a lot. I’m pursuing it pa rin.”

Sa pagkawala niya sa local showbiz ng tatlong buwan, hindi naman nabahala si Sam na maaaring nabawasan na ang kanyang popularidad sa bansa.

Para sa Kapamilya singer-actor, “Kahit kailan, you have to accept that there will be a time, lalo na ngayon, maraming bago.

“Ako, seven years na sa November that I’ve been in the business. I think it’s a big accomplishment already.

“You have to accept the fact na there’s always gonna be someone new, someone different.

“Just enjoy what you have, do your best sa lahat ng mga project na ginagawa mo.”

ABS-CBN STILL SUPPORTS SAM. May ilang nagsasabi kay Sam na manatili na lamang muna siya sa Amerika para mas mapagtuunan niya ng pansin ang binubuo niyang career doon, subalit hindi naman ito magawa ni Sam.

Aniya, “I can’t. Ayaw ko namang mawala yung everything here that’s why pabalik-balik naman.”

Sa katunayan, natutuwa si Sam na sa kabila ng kanyang panandaliang pagkawala, nandiyan pa rin ang ABS-CBN para suportahan ang karera niya sa local showbiz.

“I’ve come back and ABS-CBN is still giving me Against All Odds, a new movie din.


“So, you’ll see talaga na seven years na ako sa business but they’re still giving me projects.”

Sa ngayon, abala si Sam sa ginagawa niyang teleserye kasama sina Judy Ann Santos at KC Concepcion, ang Against All Odds.

Kasama rin ang dating Pinoy Big Brother housemate sa 20th anniversary movie offering ng Star Magic na may titulong Crazy Love, at isang indie film na idinidirek ni Adolf Alix, Jr., ang Death March.

read more

http://www.pep.ph/news/35783/sam-milby-does-not-regret-leaving-local-showbiz-to-try-his-luck-in-new-york/1/1

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...