Sam Milby on why he cannot commit to anyone yet: “Kasi pag in love ako, todo yung pagmamahal ko… I won’t compromise.”
Rey Pumaloy
Thursday, September 13, 2012
Mukhang torn between music and acting si Sam Milby. Dahil sa dami ng kanyang acting commitments, napag-iiwanan daw niya ang kanyang hilig sa musika. Saad niya, “Yun nga kasi, acting na naman ako. Medyo napi-feel ko, nawawala na naman uli. Hindi naman ako naggigitara uli that much. Hindi naman nawawala, nandiyan pa rin naman. Napapahinga lang naman dahil sa acting.”
Photo: Allan Sancon
Tatlong proyekto ang pinagkakaabalahan ng singer-actor na si Sam Milby.
Nagsimula na ang shooting ng pelikulang magtatampok sa halos lahat ng contract stars ng Star Magic, ang talent management division ng ABS-CBN kung saan kabilang si Sam.
Katatapos lang din niyang gawin ang indie movie na Death March.
At gumigiling na rin ang kamera para sa teleseryeng Against All Odds ng ABS-CBN. Makakasama ni Sam dito sina Judy Ann Santos at KC Concepcion.
Excited na ikinuwento ni Sam ang partisipasyon niya sa tatlong nabanggit na acting projects nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 4th Star Awards for Music noong Linggo, September 9.
“Sa Star Magic [movie], ang partner ko, yung babaeng nakalaan para sa akin—si Pokwang!” nangingiting biro ni Sam.
“Yung amin yung pinaka-comedy.
"Hindi ko alam kung bagay akong comedy. Hindi ko alam kung bakit ako nag-comedy dito.
"Kasi I feel na hindi ako bagay sa comedian-comedian, hindi ako ganun.
But it’s fun… walang pressure kasi comedy nga, e.
“Tapos si Pokwang, she carries the scene so well din.
“So, yung shinoot [shoot] namin the last time, nakakatawa talaga.”
WAR MOVIE. Isang American soldier naman ang role na ginagampanan ni Sam sa pelikulang Death March.
“First time na gagawin ko na isa akong Amerikano.
“Sundalo ako and I’m an American soldier.
"It’s about the Bataan Death March in World War II.
hit English nahihirapan ako… nahihirapan talaga ako.
“Ang gusto kasi ni Direk [Adolf Alix], ibang accent—hindi yung American accent.
“Ang gusto ni Direk, iba. So, prinaktis ko na parang southern na may pagka-Forest Gump? Parang ganoon.
“So, kahit English lang, nahihirapan pa rin ako sa accent kasi hindi natural sa akin,” kuwento ni Sam.
LATEST TELESERYE. Miyembro naman ng isang mayamang pamilya ang ang papel na gagampanan ni Sam sa teleseryeng Against All Odds.
“Gray character siya. Hindi siya yung tipong Sam ma-romantic o good boy.
"Gray character siya—may good side, may bad side.
Hindi naman siya kontrabida but he’s not the good guy.
"Iba… iba yung Sam Milby dito sa mga ginawa ko.”
Aminado si Sam na nahirapan siya sa shifting ng iba’t ibang characters sa mga magkakahiwalay niyang acting projects.
Sabi niya, “Ang hirap i-balance lalo na pag wala kang tulog.
"Pero siyempre, masarap pa rin na maraming trabaho.
“Maraming blessings pa rin. Seven years na ako sa business nitong November.
“After na may teleserye na sa Primetime Bida, kasama pa si Ms. Judy Ann Santos.
“Plus of course, Star Magic movie and indie movie.
"So, very thankful naman ako,” saad niya.
NO FANFARE. Walang malaking selebrasyon si Sam para sa kanyang seventh anniversary sa showbiz.
“A big cake na lang?” nangingiti niyang biro saka uli nagsalita.
“Wala naman… seven years, e.
"Normally, isini-celebrate pag ten years, twenty years, fifty years.
“Marami namang bago pero parang gitna ako.
"I’m not in the part of na gaya nung mga matagal na sila sa show business.
“Pero hindi naman ako bago na… you know, seven years na. So, medyo gitna na rin siya.”
HOLLYWOOD EXPERIENCE. Na-miss ba ni Sam ang acting dito sa Pilipinas noong nasa Hollywood siya para subukan magkaroon ng international career doon?
Saad niya, “Hindi, nag-acting pa rin ako, e. Ang daming auditions. Gusto ko pa rin ang acting.”
Ano na ang update sa kanyang Hollywood tryout?
“Babalik pa ako after Against All Odds.
“Dapat early February or end of January next year… auditions uli sa mga major networks.”
Naging eye-opener daw kay Sam ang mga auditions na ginawa niya sa Hollywood.
Sana raw ganito rin ang gawin sa local showbiz para mabigyan ng chance ang ibang mahuhusay na artista.
“So, it was a big learning experience for me, kasi siyempre dito sa Pilipinas, hindi naman nag-a-audition kaming mga artista.
“Iba kasi ang kultura dito, e.
“I think it’s best para fair sa lahat na mag-audition.
“Suwerte na lang ako dahil galing ako ng PBB [Pinoy Big Brother]. Wala akong acting experience pero mas maraming magagaling umarte kaysa sa akin. It helped me out.
"Pero kung nag-audition ako dati, baka hindi ako nakuha, kasi wala akong experience.
“But if you think about it, this is the chance for everyone.
"Kasi marami namang magaling na actresses and actors dito sa Pilipinas.
“Pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon to showcase yung talent acting nila.
“I can’t complain, but the ones who are established get the first picks sa mga teleserye…
“Kahit meron mas magaling na umarte na wala pa siyang ginawang project, but he’s better.
“But as I’ve said, I can’t complain.
"Naa-appreciate ko lang how they do it there [Hollywood].
“Na yung mga big stars they audition also. So, para maging fair naman.”
Read more
http://www.pep.ph/news/35637/sam-milby-on-why-he-cannot-commit-to-anyone-yet-/1/1
No comments:
Post a Comment