Sam Milby

Sam Milby

Sunday 26 August 2012

Kathryn and Ella show off their 'boyfriends' on ASAP 2012
by ABS-CBN
Ultimate kilig overload ang ihahatid ng “ASAP 2012” ngayong Linggo (Agosto 26) sa hindi dapat palampasing “Princess and I” and "Aryana" showdown kasama ang mga pinakatinitiliang leads stars ng mga nasabing primetime teleserye na sina Kathryn Bernardo, Ella Cruz, Francis Magundayao, Paul Salas, at ang ASAP Boyfriendz na sina Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.

Bukod sa pagpapakilig, mapapasigaw rin ang TV viewers sa sorpresang ihahandog ng cast ng pinakabagong horror film ng Skylight Films na “Amorosa” sa pangunguna nina Martin del Rosario, Jane Oineza, Empress, Ejay Falcon, at Angel Aquino.

Samantala, isang ‘OPM day’ ang magaganap ngayong Linggo sa pagbisita ng Filipino music legends na sina Kuh Ledesma, Rico J. Puno, Anthony Castelo, Heber Bartolome, at Mike Hanopol para sa isang makatindig-balahibong pagsaludo sa musikang Pilipino. Kasama din sa selebrasyon ang ASAP mainstays na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Piolo Pascual, Sam Milby, Bamboo, at Angeline Quinto. Novelty treat naman ang ihahandog ng King of Pinoy Rap na si Andrew E at international Pinoy R&B sensation na si Billy Crawford sa isang malupit na performance na lalong paiinitin nina Cristine Reyes, Bangs Garcia, at Denise Laurel.

Mapapabilib muli ang lahat sa nakakaantig na pag-awit ni Angeline sa kanyang segment na ‘Angeline on Q;’ sa panghaharana ng Prince of Pop na si Erik Santos; at sa ultimate concert extravaganza na ihahandog nina Christian Bautista, Jed Madela, Nikki Gil, Jericho Rosales at ASAP Sessionistas. 

Tuklasin din ang husay ng mga Pinoy sa pagsayaw sa makapigil-hiningang dance showcase na inihanda nina Gerald Anderson, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Iya Villania, Sam Concepcion, at Anja Aguilar.

Makikanta, makisayaw, at makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na “ASAP 2012” ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, bisitahin ang ABS-CBN Social Media Newsroom (SMN) sa www.abscbnpr.com para sa updates, photos, videos, interviews, at presscon podcasts. Sundan ang@ABSCBNpr sa Twitter at i-’like’ ang ABS-CBN SMN sa http://facebook.com/abscbnp


http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/11431/Kathryn-and-Ella-show-off-their-boyfriends-on-ASAP-2012.aspx

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...