Sam Milby

Sam Milby

Tuesday, 5 February 2013

"Sam Milby says his priority now is local showbiz"

Push.com
2/05/2013 9:31 AM
by: Bernie Franco


As expected, mas naging close raw sina Sam Milby at Angeline Quinto sa kanilang teleseryeng Kahit Konting Pagtingin. “Mas naging close naman, mas naging komportable kami. Siyempre halos everyday naman kaming magkasama so close kami,” ani Sam referring to Angeline.

Dagdag ni Sam, kahit ang ibang miyembro ng kanilang produksyon ay nagkaroon ng bonding. “Even with Paulo (Avelino) ‘yung mga first taping days namin kasi he was very quiet. Lahat kami buong staff and crew nagki-click kami.”

Sa kanyang mga interviews ay laging sinasabi ni Angeline na crush niya si Sam, pero parang hindi naman convinced si Sam dahil wala namang ilangan sa kanilang dalawa. “Hindi naman [ako] naiilang [kay Angeline]. Nagugulat lang kasi matagal na kaming magkaibigan,” paliwanag ni Sam.

“Hindi naman niya pinapakita sa akin na may crush sa akin. Parang minsan nagdududa [ako na]… ‘May crush ka ba talaga sa akin?’ Kasi kumportable kami. Parang magkaibigan lang ‘yung relasyon, ‘yung samahan namin. Hindi ‘yung parang alam mo kapag may crush sa isang tao may konting ilang, siya hindi… wala talaga,” ani Sam. “Very open talaga si Angeline.”

Continue reading here: 
http://www.push.com.ph/features/8973/sam-milby-says-his-priority-now-is-local-showbiz/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...