Masasaksihan na ng Kapamilya viewers worldwide ang pinakaaabangang “Liwanag ng Pasko: The 2012 ABS-CBN Christmas Special” na ginanap kamakailan sa Smart Araneta Coliseum at kinatampukan ng pinakamalalaking bituin sa showbiz kasama pa ang mga big boss ng Kapamilya network. Ipalalabas ang two-part special na ito sa ABS-CBN ngayong Sabado (Disyembre 15) at Linggo (Disyembre 16) sa ganap na 9:30 pm.
Kasama sina Boy Abunda, AiAi de las Alas, Anne Curtis, Vhong Navarro, Robi Domingo, Venus Raj bilang hosts, inumpisahan ang Christmas special ng mapusong “Ang Kwento ng Pasko Noon at Ngayon” na inilahad ni John Lloyd Cruz at sinundan ng Christmas songs na tinugtog ng mga marching bands ng at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pinangunahan ni Maestro Ryan Cayabyab.
Lumiyab ang gahiganteng stage nang magrakrakan ang “ABS-CBN rockers” na sina Bamboo, Nyoy Volante, Sam Milby, Vina Morales, Paolo Valenciano, Jovit Baldivino, Karylle, Sam Concepcion, Yeng Constantino at Aiza Seguerra para sa isang medley ng mga sikat na rock songs na sinabayan ng lahat.
Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano naman ang nanguna sa isang Christmas Gospel medley kung saan nakihataw sa kanya ang mga “Kapamilya kids” at ang Hail Mary the Queen Choir.
Nagpakitang-gilas naman ang Star Magic family sa handog nilang engradeng production number tampok ang paghataw sa kantahan at sayawan sa isang medley ng mga sikat na sayaw. Bilang pangwakas dito, si Jed Madela ay bumirit at umindak sa saliw ng hit Korean rap na “Gangnam Style” kasama ang mga “Kapamilya Comedians” kabilang sina Ryan Bang, Jayson, Melai, Pooh at Pokwang.
Nagdagdag kinang rin sa nasabing Christmas special ang mga bida ng upcoming movies ng Metro Manila Film Festival 2012 na kinabibilangan nina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil para sa pelikulang “The Strangers;” Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo para sa “One More Try;” at Vice Ganda ng pelikulang “Sisterakas” na pinahalakhak ang audience dahil sa kanyang monologue na punong-puno ng punchlines.
Samantala, dumagundong naman ang Big Dome sa tilian ng fans sa isa-isang pag-akyat sa stage ng Kapamilya love teams kabilang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Enrique Gil ng “Princess and I;” Ella Cruz, Francis Magundayao at Paul Salas ng “Aryana;” Matteo Guidicelli at Jessy Mediola ng "Precious Hearts Romances presents Paraiso;” Maja Salvador, Enchong Dee, Kim Chiu at Xian Lim ng “Ina, Kapatid, Anak;” Jodi Sta. Maria at Richard Yap ng “Be Careful With My Heart;” Dawn Zulueta, Richard Gomez, Julia Montes at Paulo Avelino ng “Walang Hanggan;” John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at John Estrada ng “A Beautiful Affair;” at Piolo Pascual, Angelica Panganiban at Diether Ocampo ng upcoming teleseryeng “Apoy Sa Dagat.”
Nangharana ang “Kapamilya singers” na sina Zsa-Zsa Padilla, Martin Nievera, Karylle, Richard Poon, Christian Bautista, Jericho Rosales, Sitti, Princess, Juris, Kean Cipriano, Aiza Seguerra at Zia Quizon at “Star Magic singers” na sina Jovit Baldivino, Vina Morales, K-La Rivera, JM Rodriguez, Yeng Constantino, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jed Madela, Eric Santos, Carla Guevarra, Liezl Garcia at Angeline Quinto.
Inilunsad din sa programa ang “Kapamila Gift-Together,” kung saan magiging 'connected' pa rin sa loved ones abroad ang Kapamilya sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito ng Christmas wishes ng mga mahal sa buhay nila na nandito sa Pilipinas. Ito ay unique at ika nga, 'Kapamilya-style' ng pagpadala ng gifts sa loved ones abroad.
read more:
http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/12394/-Liwanag-ng-Pasko-The-2012-ABS-CBN-Christmas-Special-airs-this-Sunday.aspx
No comments:
Post a Comment