Sam Milby

Sam Milby

Friday 16 December 2011

Sam Milby, pinaghintay sa dinner si Jaime Zobel de Ayala


Posted by Online Balita on Dec 17th, 2011 


Manila, Philippines – DAHIL sa grabeng traffic sa buong Metro Manila ay nahuli ng isang oras si Sam Milby sa appreciation dinner na inihanda ni Don Jaime Zobel de Ayala nitong Huwebes ng gabi.
Ginamit na nga ni Sam ang kanyang two-door sportscar at siya pa mismo ang nagmaneho para mabilis siyang makarating sa Makati City, pero hindi pa rin siya nagtagumpay. Kaya abut-abot ang paghingi niya ng dispensa kay Don Jaime na binati raw siya ng, ‘Good morning, Sam’.
Oo nga naman, Don Jaime Zobel de Ayala ang pinaghintay ni Sam Milby!


Kaya pinagsabihan talaga ang aktor ng manager niyang si Erickson Raymundo na hindi na dapat maulit iyon dahil nakakahiya. At dapat ay in-anticipate niya ang traffic since Christmas season na.
Samantala, ang appreciation dinner na inihanda ay para sa nakaraang show na may titulong Inspired na produced ng mga Ayala.


Nag-show si Sam sa Ayala Malls (sa Glorietta, Cebu at Davao), samantalang si Piolo Pascual naman ay sa Trinoma, si apl.de.ap sa Greenbelt, at si Sam Concepcion naman sa Market! Market!.
Samantala, kaliwa’t kanan ang corporate, out of town at out of the country shows ni Sam bago siya lilipad patungong New York City sa Pebrero para manatili roon ng apat na buwan para sa ikatutupad ng kanyang Hollywood dream.


Kung kakayanin pa ng schedule niya ay nakatakda siyang gumawa ng indie film sa direksyon ni Paul Soriano ngayong buwan hanggang Enero. Kasalukuyan silang naghahanap ng leading lady.
Hmmm, bakit hindi na lang si Toni Gonzaga?


Samantala, muli na namang naaksidente at nasaktan si Sam sa motocross competition nu’ng nakaraang linggo, pero okay lang dahil 1st place siya sa Celebrity Edition at 4th place sa Beginners na ginawa sa Lanao del Norte na may mga foreigner ding kasama. –Reggee Bonoan

http://www.balita.net.ph/2011/12/sam...obel-de-ayala/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...