Sam Milby

Sam Milby

Saturday 11 October 2014

Sam Milby, magbabakasyon sa Ohio
Posted by Reggee Bonoan on Oct 7th, 2014 /

KASAMA si Sam Milby ng ASAP group patungong Los Angeles, USA ngayong araw para sa show na ihahandog nila sa TFC subscribers.
Sakto ang pag-alis ni Sam dahil segue siya sa magulang niyang nasa Ohio, USA. Makakadalo siya sa kaarawan ng kanyang pinakamamahal na ama na may edad na.
Kuwento ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo nang makatsikahan namin, aabutin ng tatlong linggo ang bakasyon ng aktor habang hindi pa ito busy sa mga trabaho rito sa Pilipinas.
“Matagal na niyang gustong magbakasyon para makasama ang parents niya, lalo na ang dad niya kasi birthday, kaya timing nga kasi patungong L.A. ang ASAP, may show pa sila sa Australia, so after that diretso siya sa kanila (Ohio),” kuwento ni Erickson.
Totoo ba ang nasagap naming tsika na may mga tinanggihang offer si Sam sa Dos?
“May mga offers, pero parang hindi naman bagay kay Sam ‘yung role kasi siyempre at this point of his career, gusto niya ng kakaibang role, hindi ‘yung paulit-ulit na lang,” katwiran ni Erickson.
Katatapos lang ni Sam ng Dyesebel at siyempre gusto rin ng aktor na mas challenging ang papel niya tulad ng naging papel niya sa The Gifted na bagamat nakakatawa siya ay may twist naman sa huli.

http://www.balita.net.ph/2014/10/07/...per+Tabloid%29

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...