Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 17 July 2012

KC Concepcion chooses drama series with Judy Ann Santos and Sam Milby over movie with Anne Curtis and Derek Ramsay


Melba R. Llanera
Monday, July 16, 2012 @ 10:31PM  | 





Kinumpirma ni KC Concepcion ang balitang hindi na siya parte ng Nothing Compares To You, ang pelikula ng Viva Films na pagsasamahan dapat nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay.
Ang pagtuon ng kanyang atensiyon sa singing talent search na X-Factor at teleseryeng Against All Oddsang rason ng TV host-actress kung bakit hindi na siya tumuloy sa Nothing Compares to You.
“It’s really one of those things we talked about with Viva.
“Sabi ko, at this point, gusto ko yung work namin sa X-Factor, na kung saan-saang lupalop ng bansa nakakarating.
"And I said, parang I would like to focus on the ABS teleserye. I love the script of the teleserye.
"Boss Vic was so kind, Viva was so kind to allow me," paliwanag ni KC sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
LOST OPPORTUNITY. Naging matagumpay sa takilya ang pagsasama nina Anne at Derek, kasama si Cristine Reyes, sa pelikulang No Other Woman. Hindi ba nanghihinayang si KC sa pinakawalan niyang oportunidad?
Sagot niya, “I love the tandem of me and Anne, I look forward to working with her. Si Derek naman, nakatrabaho ko na…
“But there are some things na timing is everything. At the same time, hindi porke’t nandiyan, it means it’s the best thing for you to do at the moment.
“I think it’s gonna be a great movie, papanoorin talaga siya ng tao.
“Probably kung sinuman ang papalit sa akin, meant to be talaga para sa kanya.
“I have a really good feeling about their movie. I wish them all the best."
Dagdag ni KC, "I would still love to work with Anne.
“Kung sinuman ang papalit sa akin would really love the role, it’s a very strong role.
“I’m at a point na gusto ko lang talaga mag-focus sa mga shows ko—it’s a personal choice.
“Saka I believe that pag merong door na nag-close, may isang magbubukas.
“Kumbaga, hindi dapat pinipilit ang isang bagay na hindi dapat.”
Sexy and daring ang tema ng Nothing Compares To You. May espekulasyon na baka hindi pa handa si KC sa ganitong klase ng role?
Ngunit paglilinaw niya, “No. Kasi my role in the teleserye is a little bit similar sa movie na dapat with Anne and Derek, so hindi dahil dun.
“Actually, kung ano ang makikita sa movie, it was still me in their mind, makikita naman nila sa teleserye."
AGAINST ALL ODDS. Tungkol naman sa teleseryeng gagawin niya para sa ABS-CBN, ang Against All Odds, makakasama ni KC dito sina Judy Ann Santos at Sam Milby.
Sabi pa ni KC, “I really chose to focus on the soap. Yung mga taong nagtatrabaho dito sa show, madami silang ginagawa. 
“I wanted to take things a little bit more kalmado lang this year. Gusto ko i-enjoy yung mga ginagawa ko.
“Being with Ate Juday is unexpected, nag-meeting na rin kami with Sir Deo [Endrinal] sa ABS…
“At they really gave me an assurance that this is different from anything I’ve done. Nasa kanila talaga yung trust ko dito.”
Read more 



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...