Posted by Online Balita on Feb 10th, 2012
Ni Reggee Bonoan
NAKATANGGAP kami ng balita mula sa Brooklyn, New York na halos araw-araw ay sumasalang sa auditions si Sam Milby simula nu’ng dumating siya sa US nu’ng Pebrero 1.
Apat na TV series ang pinagaudition-an ni Sam na hindi pa raw puwedeng banggitin ang mga titulo.
Pero nalaman namin kung kailan nagsimulang umere ang mga ito. `Yung isa ay family drama na nagumpisa nu’ng Setyembre 26, 2011, kasunod ang love story na nu’ng 1987 pa napapanood at nakailang version na, mag-uumpisa pa lang ngayong 2012 ang isa pa na ipapalit ng programang tungkol sa superhero na namaalam na kamakailan, at isa pang hindi na namin nakuha ang detalye.
Kinabahan si Sam sa unang araw sa audition, at feeling niya ay hindi niya naibigay ang best niya pero sa tatlong sumunod ay relaxed na ang aktor.
Bago pa man umalis, sinabi ni Sam na suntok sa buwan ang pagpunta niya sa New York dahil hindi siya sure kung makakapasa siya sa auditions.
Pero curious kami sa nalaman namin na sagot pala ng talent agency na may hawak kay Sam sa US ang tinitirhan niyang apartment sa may Willsburg Street, Brooklyn kasama na ang pagkain at iba pang mga gastusin niya.
Samakatuwid, may paglalagyan na si Sam sa anumang TV series na pinag-audition-an niya dahil kung wala ay hindi gagastos ang agency sa kanya.
Tinawagan namin ang Cornerstone talent agency ni Sam dito sa Pilipinas, at ayon sa kanyang road manager na si Caress Caballero, “Ay, birthmate, hindi ko po alam `yang mga `yan. Wala pang sinasabi si Sam sa amin, hindi pa siya tumatawag, feeling namin busy.“
Tsinek naming ang Twitter account ni Samuel Milby at wala naman siyang ibinalita bukod sa nakilala raw niya ang crush niyang si Brooklyn Decker: “Just met one of my biggest crushes. The gorgeous, Brooklyn Decker.“
Sinagot naman ito ng American fashion model/actress ng, “I completely bombarded your meeting! Err whoops! Nice meeting you!“
Ginantihan ito ni Sam ng, “Haha no worries… please feel free to drop in on the next meeting too we’re neighbors btw. I grew up in Tipp City about 20 mins away from Kettering (Ohio).“
Susme, ilang araw pa lang itong alaga ni Erickson Raymundo sa New York, may prospect na kaagad?
Anyway, ang sinabi lang sa amin ni Caress, “Sa Linggo birthmate, susunod si Erickson kay Sam para malaman niya kung ano na ang development sa auditions niya at hayaan mo, babalitaan ka namin.“
Promise `yan, Caress!
No comments:
Post a Comment