Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 21 June 2011

Gretchen, KC, at Angelica magpapatalbugan ng mga damit at alahas!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated June 22, 2011 12:00 AM

Photo is loading...

Noong Lunes ay nag-workshop na sa pamamahala ni Direk Laurice Guillen sina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban, at KC Concepcion para sa teleseryeng pagsasamahan nila, ang Muling Buksan Ang Puso.

Masaya ang tatlo sa kinalabasan ng kanilang workshop. “Exciting kasi marami kaming nalalaman sa isa’t isa. Step by step nabi-build na namin ‘yung magandang friendship. Mas nakilala mo sila deeper,” pahayag ni Angelica.

“Exhausting ‘yung workshop, ako medyo nahirapan. Good thing, nagkakakilanlan na kami. I think we are ready to work,” sagot naman ni Gretchen.

“This is it, nararamdaman namin na meron kaming project together na mang­yayari na ‘to finally kasi matagal na kaming naghihintay,” nakangiting dagdag naman ni KC.

Ang bali-balita ay tiyak daw na magpapatalbugan ang tatlong aktres pagdating sa pag-arte, damit, at mga alahas na kanilang gagamitin sa serye. “Kung patalbugan, malalaman n’yo na lang ‘yun. Pagdating namin sa set ‘di na si Angelica, si Angelica, siya na ‘yung character na pino-portray niya. Iba na rin ako, iba na rin si KC dun. Kung magkaaway kami sa teleserye ‘yun kami sa set,” sagot ni Gretchen.

“Masarap magtrabaho kapag nagtutulungan kayo at ‘di kayo maghihilahan pababa. Mas maaliw sila kung nakikita na sila sa lines at sa damit lang kami nagpapatalbugan. Kapag ‘di niya (Gretchen) lang ako pinahiram ng alahas, baka dun uminit ang ulo ko,” pabirong sagot naman ni Angelica.

“Kung mag-aaway, ako ang mediator dito,” nakangiting pagtatapos naman ni KC.

Makakasama ng tatlo sa bagong serye sina Zanjoe Marudo, Sam Milby, at Luis Manzano.

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=698536

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...