Sam Milby

Sam Milby

Tuesday 21 June 2011

Angelica, Piolo, KC at Bea, sama-sama sa ‘Magic’ video

Triple treat ang handog ng Star Magic sa pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo ng ABS-CBN talent management arm. Opisyal na ilu-launch ang kauna-unahang website ng Star Magic kung saan pwedeng maging updated at magpadala ng mensahe sa inyong paboritong stars, mag-audition online at kung anu-ano pa, mag-log on sa www. starmagic.ph.

Mapapanood sa unang pagkakataon ang anniversary music video na pangungunahan nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Diether Ocampo, KC Concepcion, Sam Milby, Kim Chiu at Gerald Anderson.


Ang “Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko” music video ay dinirek ni Paul Soriano.


“I wanted them to act naturally and have fun du­ring our 3 days shoot. I’m sure they’ll enjoy our music video,” sabi ni Direk Paul.


Si Yeng Constantino ang sumulat at kumanta ng music video.


“I feel like a family sa Star Magic kaya naman hindi ako nagdalawang- isip na gawin ang kanta. Syempre inspirasyon ko ang samahan at saya namin sa Star Magic”, dagdag ni Yeng.


Bukod sa isang star-studded dance at song number, rarampa ang mga bituin ng Star Magic na tulad nina Xy­riel Manabat at Zaijian Jaranilla, suot ang mga styled shirts at jeans na gawa ng mga kilalang designers.


Mabibili ang “Ikaw Ang Magic” comme­morative shirts sa ABS-CBN Studio store.


Mapapanood din ang 19th year celebration ng Star Magic sa June 26 sa ASAP Rocks.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...