Sam Milby

Sam Milby

Monday 19 August 2013


Sam Milby nag-seizure sa isang eksena with Judy Ann Santos (Sa tindi ng dedikasyon sa trabaho,)

 NOONG Biyernes, nagkaroon ng matinding tension sa set ng Huwag Ka Lang Mawawala nang magkaroon ng seizure si Sam Milby habang kinukunan ang isang major scene nila ni Judy Ann Santos. “Sa sobrang intense ng scene, highlight kasi ‘yun, suddenly, hindi makapagsalita at makagalaw si Sam,” sabi ng aming source, sa tindi ng dedikasyon sa trabaho ay kinarir ni Sam ang eksena dahil ‘yun ang peak ng confrontion nila ni Juday bilang Anessa sa teleserye. Simula pa lang ng HKLM, nagpakita na ng kahusayan si Sam bilang aktor. Sa seryeng ito, napatunayan ni Sam ang kanyang kahusayan bilang isang dramatic actor. “Gusto kasi ni Sam na lumevel up sa acting ni Juday, kaya ‘yun. But it was a great scene! After a while, Sam felt better and nakunan din ang matinding eksena.” Mapapanood ‘yun sa finale week ng Huwag Ka Lang Mawawala na magsisimula ngayong Monday, August 19.

Kaabang-abang ang mga eksena sa huling 5 gabi ng toprating teleseryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” na magtatapos ngayong Friday, August 23.

Read more:
http://www.hatawtabloid.com/2013/08/19/sam-milby-nag-seizure-sa-isang-eksena-with-judy-ann-santos-sa-tindi-ng-dedikasyon-sa-trabaho/

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...