Sam Milby

Sam Milby

Friday, 16 August 2013

Judy Ann Santos now open to negotiate with other networks; takes responsibility for early exit of her soap
by Nerisa Almo 

 “Gusto kong mamaalam sa teleserye nang taas-noo.”

Ito ang naging paulit-ulit na pahayag ni Judy Ann Santos habang ipinapaliwanag sa press ang agad na pagtatapos ng kanyang primetime series sa ABS-CBN, ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Lumikha ng ingay ang maagang pagtatapos ng teleserye ni Judy Ann dahil kauumpisa lamang nito noong Hunyo.

Mismong si Judy Ann na ang nagbigay-linaw sa mabilisang takbo ng kanyang teleserye, na tatakbo lamang ng halos sampung linggo dahil magtatapos na ito sa August 23.

“Sabi nga nila, di ba, all good things must come to an end?

“It was my decision to end the show earlier.

“But then again, I appreciate that the management listened to what I have to say,” sabi ni Judy Ann sa ginanap na press conference para sa kanilang finale kahapon, August 15.

Inamin ng aktres na isa sa mga rason kung bakit nagdesisyon siyang tapusin na ang Huwag Ka Lang Mawawala ay dahil sa planong paglipat ng timeslot nito.

Sa kasalukuyan, ang Huwag Kang Mawawala ay nasa ikatlong timeslot sa hanay ng mga teleserye ng ABS-CBN; kasunod ng Juan dela Cruz at Muling Buksan Ang Puso.

Maluha-luhang sabi ni Judy Ann, “Originally, it should’ve been moved to fourth timeslot.

“I asked the management kung puwedeng third na muna and earlier kami matatapos.

“I really appreciate the fact na pinagbigyan nila ako.

“Kasi, di ba, masarap mag-ending na mapapanood ng lahat ng tao?

“At the same time, yung palakpak ay mas matindi kapag gising yung mga tao kaysa sa palakpak na parang nananaginip na lang sila kasi hindi naman nila napanood yung ending."

Dagdag pa niya, “Para sa akin, it was a very, very hard decision kasi isang taon kong ginawa.

“Pero yung appreciation na nakuha ng buong cast at buong team ng Huwag Ka Lang Mawawala, mas bongga pa ang ini-expect.

“So, I have to take that responsibility—it was me who decided to end it.”

Humingi rin ng pasensiya ang tinaguriang Teleserye Queen ng ABS-CBN sa mga masugid na nanonood ng Huwag Ka Lang Mawawala.

Ani Judy Ann, “Pasensiya na kasi may mga bagay tayong kailangang tapusin na taas-noo.

“May mga bagay tayong kailangang harapin bilang tao at bilang propesyunal sa industriyang ito.

“Maraming posibilidad na puwedeng mangyari—maaaring ipagpatuloy pero mauuta na ang mga tao sa panonood kasi halata nang ini-stretch nang ini-stretch ang istorya; maaari ring magkaroon ng book two, depende sa napag-usapan.

“Maraming possibilities at depende ‘yan sa kung ano ang hihilingin ng mga viewers.

“Kami, bilang artista, magde-deliver lang kami kung ano ang hihilingin nila.

“Pero sa pagkakataong ito, humihingi ako ng patawad, humihingi ako ng pasensiya na kailangan kong magdesisyon na tapusin ang isang napakagandang istorya para na rin sa kabutihan ng lahat, na mag-ending tayo nang nakangiti at lahat nakangiti dahil mataas ang rating.”

Read more:
http://www.pep.ph/news/39983/Judy-Ann-Santos-now-open-to-negotiate-with-other-networks;-takes-responsibility-for-early-exit-of-her-soap

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...